Smokey Mountain, nag-semi reunion sa pagtanggap ni Ryan Cayabyab ng Ramon Magsaysay Award

by PEP Troika
Sep 10, 2019
National Artist Ryan Cayabyab (extreme left) with fellow Ramon Magsaysay awardees and Vice President Leni Robredo (center).
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Ginawaran ng Ramon Magsaysay Award si Cipriano Raymundo Pujante Cayabyab—mas kilala bilang Ryan Cayabyab o Mr. C—nitong Setyembre 9, Lunes, sa Cultural Center of the Philippines, kasama ang apat na Asian heroes sa itinuturing na Asian counterpart ng Nobel Prize.

Maganda ang presentation kung bakit sila napili sa crucial na panahon sa kani-kanyang bansa.

Ang sabi ng panauhing pandangal na si Vice President Leni Robredo, “Nowadays, populism and extreme nationalism are rearing their ugly heads in many parts of the globe, creating tears and divisions in our social fabric; but Ryan Cayabyab’s music reminds us that what brings us together holds more power than the things that try to tear us apart—half-prayer and half-battlecry.”

Nagtapos ang magandang speech ni Mr. C sa bago niyang kanta na para sa Ina, na makapanindig-balahibong inawit ng Ateneo Chamber Singers.

Guests din sa awarding ang tatlo sa original members ng Smokey Mountain na sina Tony Lambino, James Coronel, at Jeffrey Hidalgo.

Continue reading below ↓

Original Smokey Mountain members (from left) Tony Lambino, James Coronel, and Jeffrey Hidalgo

Sa huling MaeStroRy, tanging si Jeffrey lang ang nakadalo kahit sinabi pa sa publicity na kasama ang "SOME of the orig members" ng Smokey Mountain.

May takip ang right eye ni Tony dahil na-diagnose siyang may cranial nerve III palsy.

Continue reading below ↓

Ang sabi niya sa akin, “It usually resolves in a few months.”

Para sa fans ng Smoley Mountain, alam ko na may musical na niluluto ang ABS-CBN based on their music.

At sa mismong grupo naman, hindi malayong magkaroon sila ng totoong reunion concert na pinag-uusapan ng tatlo na dapat ay may Geneva Cruz.

Sabi raw ni Geneva, kung magaganap ang reunion concert ay baka Mayo pa next year or later pa.

Abangan na lang natin.

Oh well, congratulations again Mr. C, and thank you for truly touching our lives with your music!

GORGY RULA

Sabi naman ni Mr. C, ang pinakamalaking karangalang natanggap niya ay yung nakikita niya ang mga kabataang naturuan nila sa musika na namamayagpag na ngayon ang music career at kinikilala na sa music industry.

Bahagi ng pahayag niya nang nakapanayam namin sa nakaraang mediacon ng Pinoy Playlist, “Through the years, ang gusto ko lang ay gawin yung gusto kong gawin. I enjoy everything I do.

Continue reading below ↓

“As a matter of fact, mas importante talaga sa akin i-prepare yung mga bata. Yung susunod na generation, dapat i-prepare sila.

"Kasi, kailangang mag-move forward yung ating bansa in terms of culture, music, etc.

“So, what’s the best way to do it? Give them the training.

"Train them, mentor them as much as you can. Kasi, wala namang mawawala, ibibigay mo lang lahat.

“Naniniwala ako na iba-iba naman ang pag-accept nila at pag ginawa na nila, nag-iiba na.

“Karamihan sa kanila ay nanggaling sa isang workshop o isang camp na ginagawa namin dati, at hindi namin sinabi sa kanila kung papa'no ang gagawin.

“Binigay lang namin sa kanila yung tools. Binigay namin sa kanila yung confidence at saka inspiration ng how to work out their own music.

"But yung style, kanila dapat yun.”

Kaya masayang-masaya siya na ang mga sikat na mang-aawit ngayon na naturuan nila ay naipapakita ang saril nilang style.

Continue reading below ↓

Ibang-iba na raw ang tunog nila.

Congratulations po kay Maestro Ryan Cayabayab!

JERRY OLEA

Maestro si Ryan Cayabyab. Pambansang Alagad ng Sining.

Lapastangan ang mangangahas na magturan sa kanya, “Composer ka lang.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ryan Cayabyab (extreme left) with fellow Ramon Magsaysay awardees and Vice President Leni Robredo (center).
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results