Mikee Quintos, di apektado sa pagkukuwestiyon sa kanyang kasarian

by PEP Troika
Sep 10, 2019
Mikee Quintos: "Alam ko naman po yung totoo and alam po ng mga taong mahal mo yung totoo, yun ang importante sa akin."
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Sina Faith (Thia Thomalla) at Amor (Mikee Quintos) ang mga babae sa puso ni Sep (Alden Richards) sa bagong Kapuso primetime series na The Gift.

Ang ibig sabihin ng “amor” ay love (English) o pag-ibig (Tagalog). Kaya pakiwari namin ay si Mikee eventually ang magiging love interest ni Alden.

“Sana po. Depende naman po sa magiging feedback ng audience,” nakangiting sambit ni Mikee sa mediacon nitong Setyembre 9, Lunes, sa Prime Hotel, Quezon City.

For sure, may fans na mamba-bash sa kanya dahil magkatambal sila ni Alden.

“Parte naman yun ng trabaho, so, OK lang po,” kaswal na saad ni Mikee.

“Meron na po, so far, pero OK lang.

“Siyempre, may nights pa rin na maa-affect ka. Pero I have a really great support system—my family.

“Nagka-experience na ako ng nights na ganoon, yung fans na pag nakikita ako in person, na sobrang saya, lalo na yung mga lola. Mga weakness ko yun.

Continue reading below ↓

“Napapaalala nila sa akin kung bakit ako nandito. Mas nananalo yung pagpapa-realize nila sa akin kaysa sa pamba-bash.”

How does she find Alden? May kilig ba siya sa aktor?

“Oo naman! Very sweet naman kasi iyang si Alden. Mabait kasi si Alden.”

NOEL FERRER

Matinding aktingan ito, pati pagpapakilig.

Kaya aabangan natin... at ito talaga ang acid test kung uubra itong teleserye na ito pagkatapos ng Victor Magtanggol.

GORGY RULA

Hay, naku! Diniretso ko na rin nang tanong si Mikee tungkol sa matagal nang tsismis sa kanyang pinagdududahan ang sexual orientation niya.

Aware daw siya sa tsismis na yun, pero deadma na lang siya dahil sure na sure daw siyang girl na girl siya.

Hindi raw siya apektado sa ganoong tsismis.

“Alam ko naman po yung totoo and alam po ng mga taong mahal mo yung totoo, yun ang importante sa akin.

“Sa akin, mas naa-affect pa ako kung acting ko yung nilalait o yung trabaho ko yung nilalait.

Continue reading below ↓

“Pero anything personal, buo naman po ako,” sagot ni Mikee.

Sa katunayan, may ka-date daw siya ngayon na isang non-showbiz guy, pero ayaw niyang isapubliko pa ito.

“I’m dating someone po ngayon.

“Mas gusto ko, tago na lang o private yung relationship.

“Somehow, mas totoo yung feeling. Hindi ko kailangan ang validation ng ibang tao para magpakita na masaya kami.

“I don’t see the importance on that na nakita sa social media na ganito kami.

“If I keep it intimate, mas real siya for me, kasi outside showbiz, ito yung totoo sa akin,” sabi pa ni Mikee.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Quintos: "Alam ko naman po yung totoo and alam po ng mga taong mahal mo yung totoo, yun ang importante sa akin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results