Daniel Padilla at Alden Richards, pinagsasabong ng fans

by PEP Troika
Sep 10, 2019
Ngayong tapos na ang promo para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (kanan), trending ngayong araw ang #BackToKathNiel bilang hudyat ng pagbabalik ni Kathryn sa ka-love team at boyfriend nitong si Daniel Padilla (kaliwa).
PHOTO/S: Mark Nicdao / Noel Orsal

GORGY RULA

Isa sa hashtags na nag-trending sa Twitter nitong Setyembre 10, Martes, ay ang #BacktoKathNiel.

Ibig sabihin, tapos na ang KathDen tandem nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, kahit namamayagpag pa sa ibang bansa ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Grabe ang posts ng KathNiel fans na nagpasalamat at nalagpasan na ni Kathryn ang pakikipag-partner niya sa iba, na wala si Daniel Padilla sa pelikulang ginawa ng Kapamilya superstar.

Ang dating, parang nakahinga na sila nang maluwag dahil tapos na ang tandem nina Kathryn at Alden.

Lumalabas na kasi ang selosan dahil na rin sa closeness ng dalawang bida ng Hello, Love, Goodbye.

Kaya inaaway na si Alden ng ibang fans na karamihan ay maka-Daniel.

Kinontra nila ang kumalat na balitang imbitado si Alden sa ABS-CBN Ball sa Setyembre 14, Sabado, sa Shangri-La at The Fort, Taguig City.

Sabi ng ilang fans, walang ‘Joy’ na pupunta sa ball, wala ring ‘Ethan,’ kundi sina Kathryn at Daniel ang magkasamang darating.

Continue reading below ↓

Kung anu-ano pang panlalait ang inabot ni Alden sa ilang tweets.

Tinanong ko ang taga-GMA Artist Center kung dadalo ba si Alden sa Ball ng ABS-CBN.

Wala raw silang natatanggap na imbitasyon, at wala iyon sa schedule ng Kapuso actor.

Ang iba ay pinipersonal na ang panlalait kay Alden at kung anu-anong kuwentong inilalabas na kinukuwestiyon ang pagkalalaki ng Kapuso actor.

Gumanti rin ang ilang fans ni Alden.

May pasabog din ang ilang fans na kung saan may video na binanggit daw ni Kathryn sa ASAP na nagpasalamat siya kay Alden, at nakunang sumimangot si Daniel nang binanggit si Alden.

Hindi ko pa nakikita ang video na yun.

Pero nakini-kinita na ang away ng dalawang grupo ng fans na ito.

Tapos na rin naman ang Hello, Love, Goodbye.

Aligaga si Alden sa kanyang The Gift na magsisimula na sa September 16, Lunes. Kaya tama ngang focus na sa KathNiel love team.

Continue reading below ↓

Totoo bang sisimulan na ang Valentine movie nina Kathryn at Daniel na kukunan daw sa Iceland?

JERRY OLEA

Marami ang asado at hopia na magkaroon ng sequel ang love story nina Joy at Ethan.

Malabo pa iyon dahil hindi iyon nakalinya sa mga gagawing proyekto ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Siyempre, suntok sa buwan na mangarap tayo ng love triangle nina Daniel, Kathryn, at Alden.

The Impossible Dream na pagsama-samahin sa isang movie sina Daniel, Kathryn, Alden, at Maine Mendoza.

NOEL FERRER

Star Cinema will always be behind the KathNiel love team especially that they are the film arm of ABS-CBN.

Mas inaabangan ko kung ano ang magagawa ng GMA Films for Alden Richards with his newly-acquired film box-office star status via the hit and record-breaking movie na Hello, Love, Goodbye.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong tapos na ang promo para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (kanan), trending ngayong araw ang #BackToKathNiel bilang hudyat ng pagbabalik ni Kathryn sa ka-love team at boyfriend nitong si Daniel Padilla (kaliwa).
PHOTO/S: Mark Nicdao / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results