Marian Rivera, hindi sasamahan si Dingdong Dantes sa Berlin Marathon

by PEP Troika
Sep 11, 2019
Marian Rivera, hindi masasamahan ang mister na si Dingdong Dantes sa pagsali nito sa Berlin Marathon: "Nakaka-guilty talaga, dahil alam kong mahalaga sa kanya ang pagtakbo niya at first time niyang gagawin, 'tapos wala ako."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

GORGY RULA

Matinding paghahanda ang ginagawa ni Dingdong Dantes para sa sasalihan niyang 2019 Berlin Marathon sa Germany sa September 29.

Medyo nagi-guilty nga raw si Marian Rivera dahil hindi niya puwedeng samahan ang kanyang asawa.

Sa grand launch ng bagong endorsement ni Marian, ang Tough Mama Kitchen appliances, na ginanap nitong Setyembre 10, Martes, sa Seda Hotel, tinanong ng PEP Troika kung anong suporta ang ibibigay niya sa kanyang asawa, lalo na’t hindi niya ito puwedeng samahan.

Sagot niya, “Gusto niya, kasama ang buong barangay. Ang dalawang anak ko saka ako.

"Sabi ko, ‘Dad, sorry talaga.’

“Nakaka-guilty talaga, dahil alam kong mahalaga sa kanya ang pagtakbo niya at first time niyang gagawin, 'tapos wala ako.

“Sabi ko, ‘Wrong timing ka, e, may maliit ako. Parang ang hirap namang bitbit ko si Ziggy, kasama ko si Zia, nandun kami.’

“Sabi ko, paglaki-laki lang nung isa, kahit saan tayo magpunta, kakaladkarin ko.

Continue reading below ↓

“Pero this time, sorry, mga bata muna ako, kaya mo na 'yan,” saad ng Kapuso Primetime Queen.

May naisip gawin si Marian para kahit paano ay maramdaman ni Dingdong ang suporta nilang mag-anak.

Ani Marian, “May kinuntsaba naman ako, kasi mga katakbo niya, kakilala ko.

“So, nakisuyo ako na magdala ng picture ko para pag malapit, iangat ang picture ko para kunwari nandun din ako.

“Magpapa-print ako ng picture ko, ipadala ko, para sabi ko parang nandun din ako.

"Totoo. Gagawin ko talaga yun."

Nakita ni Marian kung paano pinaghandaan ni Dingdong itong pagsali sa Berlin Marathon.

Alam ng aktres na kakayanin ito ng asawa niya, pero naiisip din niya baka kung ano mangyari kay Dingdong lalo na’t apat na oras na takbuhan, na walang tigil.

“Taimtim talaga ang dasal, kasi baka mamaya, himatayin siya dun, 'tapos wala ako.

“Kasi four hours siyang tatakbo, ha? Walang tigil.

Continue reading below ↓

"Hindi biro yung four hours na tatakbo ka,” bulalas ni Marian.

Kaya sabi ni Marian, kailangan talagang magpaka-Tough Mama siya para hindi siya masyadong mag-alala kay Dingdong na mapapasabak sa matagal na takbuhan sa Berlin.

Tamang-tama lang daw na tapos na si Dingdong sa StarStruck, at magpapaalam na lang daw ito sa Descendants of the Sun na nagsimula nang mag-taping.

NOEL FERRER

That’s Dingdong Dantes for you—kung naka-set ang goals sa buhay, focused siyang gawin and makamit ito.

Kudos to Marian Rivera na supportive wife, pati na ang kanyang dalawang chikiting na sina Zia at Ziggy.

Nakakatuwa na kahit sa Tadhana lang nakikita si Marian, naha-highlight pa rin ang pagka-nanay niya sa kanyang endorsements.

Meron pa siyang parating na ad mula sa isang paboritong food chain kasama si Zia.

Ganun pala yun, hindi basta-basta nakakapag-shoot ng ad ang isang bata.

Kailangang hintayin pa mag-three years old bago maging angkop sa isang endorsement na may kinalaman sa pagkain.

Continue reading below ↓

Makes sense, di ba?

JERRY OLEA

Sumabak si Dingdong sa matinding pagsasanay para sa Descendants of the Sun.

Kahit sa nakaraan niyang teleserye na Cain at Abel ay bangis-bangisan ang pag-aaksyon niya.

Isinasapuso ni Dingdong ang pagma-marathon sa Berlin, at dalangin natin na ma-achieve niya ito nang maluwalhati.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera, hindi masasamahan ang mister na si Dingdong Dantes sa pagsali nito sa Berlin Marathon: "Nakaka-guilty talaga, dahil alam kong mahalaga sa kanya ang pagtakbo niya at first time niyang gagawin, 'tapos wala ako."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results