Lani Misalucha, hindi inalok maging host ng The Clash Season 2

by PEP Troika
Sep 11, 2019
Lani Misalucha: “You know… no matter how many times I tried to stay away from showbusiness o yung spotlight, it still manages to follow me and chase me. So, para sa akin, ito na siguro talaga ang destiny ko na talagang maging singer."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Ikinu-consider ni Lani Misalucha ang sarili na semi-retired dahil gusto niyang ibigay ang karamihan ng oras niya sa kanyang pamilya.

Napag-usapan namin ito ng Asia’s Nightingale sa mediacon ng second season ng GMA 7’s The Clash na magsisimula na sa September 21, Sabado, pagkatapos ng Daddy’s Gurl, at pagkatapos naman ng Daig Kayo ng Lola Ko tuwing Linggo.

Doon sa mediacon kasi ay kinanta ni Lani ang awiting "Timeless," na inaalay raw niya sa kanyang mga apo.

Saad ni Lani, “Isang rason kaya ako nag-migrate sa Amerika dahil I’m willing to let go of this career, and really focus on my family.

“Kasi, sa akin talaga, prayoridad ko ang pamilya, di ba?”

Pero tuloy pa rin ang trabaho niya dahil may offers na mahirap tanggihan, kagaya nitong The Clash kung saan isa siya sa Clash Panel kasama sina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista.

Continue reading below ↓

“You know… no matter how many times I tried to stay away from showbusiness o yung spotlight, it still manages to follow me and chase me.

“So, para sa akin, ito na siguro talaga ang destiny ko na talagang maging singer.

“Pero somehow nga, semi-retired na rin naman talaga ako.

"Talagang... at least, napipili ko na yung gusto kong gawin.

“Ayoko mag-full blast, ayokong… you know. Hindi naman ako bata pa na, you know… I’m not really that healthy anymore.

“So, I take things slowly one day at a time and just breathe it in and enjoy it,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Bagay naman talaga kay Lani ang pagdya-judge sa The Clash.

She just celebrated her 50th birthday and long overdue na ang kanyang milestone concert with Crossover, the company that did her very first sold-out major shows sa Big Dome noon.

Continue reading below ↓

Alam ko, inaayos din ni Lani ang kanyang bagong album under Star Records containing new original songs.

Next week, makakasama ko siya sa Radyo Inquirer kaya magandang selebrasyon sa Golden Nightingale ang naghihintay!

JERRY OLEA

Noong magtatapos ang unang season ng The Clash, balitang-balita na lilipat na si Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Di ba, bonggang-bongga pa ang pagkaka-announce noon ni Asia’s Songbird on TV na magbabalik in due time itong The Clash?

Nang maging Kapamilya na si Regine, may clamor na palitan ito ni Lani bilang host ng The Clash, di ba?

GORGY RULA

Nilinaw ni Lani na hindi inalok sa kanyang mag-host ng The Clash pagkatapos umalis ni Regine Velasquez sa GMA-7.

“Hindi ko rin tatanggapin sakaling inalok sa akin ang maging bagong host, only because I really want to be one of the judges,” mabilis niyang sagot sa PEP Troika.

Pagkatapos ng first season, wala raw sinabi sa kanila na sila pa rin ang magiging judge sa second season.

Continue reading below ↓

Wala siyang kontrata sa ibang network, kaya nakakalabas siya sa ABS-CBN.

“Right after nung first season, hindi pa sinasabi sa amin na merong second season.

“However, pagkatapos ng first season, meron akong mga ginagawa na TV appearances sa kabila.

"Alam niyo naman lahat na wala akong exclusivity with anyone, so I can appear with any network.

“Later on, sinabi sa akin na there will be another second season, of course I really want to do it. Because I enjoyed my first season with everyone especially with the contestants, with the clashers.

“Masarap kasi ang work atmosphere namin,” sabi pa ni Lani.

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang napiling The Clash Masters, at sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang Journey hosts.

Natutuwa si Lani na katrabaho ang mga kabataang ito.

Read Next
Read More Stories About
The Clash, Lani Misalucha
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Misalucha: “You know… no matter how many times I tried to stay away from showbusiness o yung spotlight, it still manages to follow me and chase me. So, para sa akin, ito na siguro talaga ang destiny ko na talagang maging singer."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results