Baron Geisler, itinangging nagpaalam na siya sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Sep 11, 2019
Baron Geisler: "I just have to keep on reminding myself, na anywhere you go, especially in this business, it’s a very slippery place, you can backslide anytime."
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Bali-balitang nagpaalam si Baron Geisler para magbakasyon sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

“No. No. That’s not true,” tahasang pagtanggi ni Baron nang mainterbyu namin nitong Setyembre 10, Martes, sa Pookaberry Cafe, Sct. Ybardolaza St., QC, matapos siyang pagkalooban ng royal title na Datu.

“I love my job. I love Probinsyano. I’m so grateful sa Dreamscape, kay Sir Deo Endrinal, sa bumubuo ng Dreamscape.

“Kay Mr. Coco Martin, ang laki ng pasasalamat ko pa rin. At nariyan pa rin. Nilikha nila iyong ‘Bungo’ for me.

“So, praise God! Thank you Lord! For that.

"And tuluy-tuloy pa rin iyong kuwento. At saka kung makikita niyo naman po sa social media ko... I’m very productive.”

Pinapahalagahan ni Baron ang payo sa kanya ni Coco na tutulungan siya nito, basta tulungan din ni Baron ang sarili.

Continue reading below ↓

“Of course, of course. You know what, hindi lang naman si Coco ang nagpapayo sa akin niyan, e,” malumanay na lahad ni Baron.

“Everybody naman, sa support group ko. And kahit naman sa sarili ko, di ba?

"Hindi na kailangan din, kumbaga, talagang reminder lang.

“Kasi, may sarili naman tayong pag-iisip. Nagbabasa rin ako ng Bibliya at maraming wisdom ang nakukuha roon.

“Ahhm, I just have to keep on reminding myself, na anywhere you go, especially in this business, it’s a very slippery place, you can backslide anytime.

“So, now, I just put on te full armor of God, and I’m ready for anything.”

NOEL FERRER

So, hindi totoong tapos na ang role ni Baron sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Siyempre, mabigat ang kaakibat na responsibilidad ng kanyang pagiging datu — ambassador ng kapayapaan at pagkakaisa.

Ano ang magiging epekto nito kay Baron? Abangan!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Next year pa ang kasal ni Baron at ng fiancée na si Jamie Evangelista.

“Gusto raw niya munang magpapayat, e,” napangiting sambit ni Baron.

“Sa akin, sabi ko, ‘Love, alam mo, masaya na ako sa katawan mo. Kaya nga ako na-in love sa ‘yo, e!’”

Nag-iipon si Baron para sa kasal nila ni Jamie.

“Hindi nga po ako bumili ng kotse. Actually, inuna ko yung para sa baby, and yung para sa kasal.

“We want to keep it simple lang.”

Siyempre, imbitado sa kasal ang mga kasama niya noon sa Kapamilya drama series na Tabing Ilog (1999-2003) na sina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Kaye Abad, Patrick Garcia, Paula Peralejo, at Desiree del Valle.

“Hopefully, ‘no, makontak ko si Lloydie.

"‘Nami-miss na kita, Lloydie-man! I miss you. I hope to work with you soon. Balik ka na, man. Kailangan ka ng industriya, pare!’

Continue reading below ↓

“Si Direk Malu [Sevilla], nakakausap ko. Sabi niya, gusto niyang gumawa ng pelikula or series na Tabing Ilog: Reunion, na malalaki na kami.

“Game! Game! But we need John Lloyd for this to make it work.”

GORGY RULA

At least, nakikita na kay Baron na willing na siyang magbago, kasi may sariling pamilya na siyang paglalaanan.

Bukod pa riyan, parang hindi na bagay sa isang Datu kung babalik pa siya sa dating gawi.

Napakasuwerte pa rin ni Baron dahil lahat ng chance, ibinibigay na sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler: "I just have to keep on reminding myself, na anywhere you go, especially in this business, it’s a very slippery place, you can backslide anytime."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results