KathNiel, magbabakasyon hindi magsu-shooting sa Iceland

by PEP Troika
Sep 12, 2019
Kathryn Bernardo on Iceland vacation with boyfriend Daniel Padilla: "Matagal na po namin yun pinaalam. Finally po, pinayagan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ilan sa mga huling rumampa sa red carpet ng Sine Sandaan ay ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

As expected, tinilian nang husto ang KathNiel sa red carpet na ginanap nitong Setyembre 12, Huwebes, sa New Frontier, Araneta Center, Quezon City.

Nilinaw ng PEP Troika sa kanila kung sa Iceland ba kukunan ang Valentine movie na gagawin nila sa Star Cinema.

Nakangiting sagot ni Kathryn, “Hindi po. Bakasyon po yun.

"Matagal na po namin yun pinaalam. Finally po, pinayagan."

Sinundan namin ng tanong kung kailan ang schedule ng bakasyon nilang dalawa.

“Very soon po,” matipid na sagot ni Daniel.

Excited na raw silang dalawa dahil mawi-witness na nila ang Northern Lights.

Wala pa raw silang masasabi sa susunod na pelikulang gagawin nila.

Pero pam-Valentine’s Day nga ang gusto ng KathNiel fans.

NOEL FERRER

In fairness, sila naman talaga ang hottest real-life love team ngayon na subok na matibay, whether together or apart.

Continue reading below ↓

And, yes, they deserve to go on a vacation.

Kapag ganun ba, may chaperones pa ba sila? Just asking.

JERRY OLEA

Di ba, kababakasyon lang ng KathNiel (with Kathryn’s family) sa Japan?

Nakakatuwa na kahit na-partner si Kathryn kay Alden Richards sa highest-grossing Filipino film (hindi adjusted sa inflation) na Hello, Love, Goodbye, ang puso ni Kathryn ay nananatiling kay Daniel lamang.

Mabuhay ang KathNiel!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo on Iceland vacation with boyfriend Daniel Padilla: "Matagal na po namin yun pinaalam. Finally po, pinayagan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results