Lorna Tolentino, maabutan pa kaya ang pagpasok ng Hollywood stars sa Ang Probinsyano?

by PEP Troika
Sep 13, 2019
Natutuwa si Lorna Tolentino sa pagkilalang ibinigay ng FDCP, sa pamamagitan ng Sine Sandaan, sa ibang mga artistang nakaligtaan nang bigyan ng parangal.
PHOTO/S: Mark Atienza

JERRY OLEA

7 A.M. ang calltime ni Lorna Tolentino sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano nitong Friday the 13th of September, pero dumalo siya sa Sine Sandaan the night before sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

Hanggang kailan ba ang karakter niyang si Lily sa FPJ’s Ang Probinsyano?

“Hindi ko alam sa mga Lord of the Rings,” napangiting sambit ni LT noong Thursday night sa lobby ng New Frontier Theater.

“Gusto kong maging First Lady. Iyon ang ambisyon ni Lily.”

Maaabutan ba niya ang pagpasok ng Hollywood stars sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin?

“I think so,” matipid na tugon ni Lorna.

Tatlo ba iyong Hollywood stars?

“I hope so.”

Ka-bonding ni Lorna sa Sine Sandaan sina Amy Austria at Angel Aquino.

“Magkakasama kami, nasa isang car lang kami. Galing kami sa bahay.

"Double A ang dalawang kasama ko!” sabi pa ni Lorna.

Magkalaban sina Lorna at Angel sa TV show, pero magkatropa sa totoong buhay.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

“Girl power kami,” text sa akin ni Lorna nang tinanong ko kung sino ang kasama niyang darating sa Sine Sandaan.

Tuwang-tuwa siya kapag binabati ang bangs niya, dahil iyan ang look ni Lily sa teleseryeng ito ni Coco Martin.

Yun na raw ang laging bati sa kanya ng mga taong nakakasalubong niya.

Continue reading below ↓

Bago nagsimula ang programa kagabi, paulit-ulit sinasabi sa akin ni Lorna na sana hindi siya abutin ng madaling-araw dahil 7:00 ang calltime niya kinabukasan, na hindi pa niya alam ang location.

Mabuti at nahintay naman niya, unlike yung iba na hindi na nila natapos dahil may maaga pang calltime.

Natutuwa rin si Lorna sa pagkilalang ibinigay sa ibang mga artistang nakaligtaan nang bigyan ng parangal.

Kaya isa rin siya sa natutuwa at nagpasalamat at naisip ito ni FDCP Chairperson Liza Diño.

NOEL FERRER

Mapalad sila at naimbitahan. Salamat pa rin sa FDCP sa initiative na ito.

Sayang lamang at ang ibang mga pararangalan na tulad nina Herbert Bautista at Candy Pangilinan, na mga kaklase namin sa klase ni Ricky Lee, ay walang malay sa parangal sa kanila at walang imbitasyon.

Oh well, year-long naman ang celebration! Happy Sine Sandaan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natutuwa si Lorna Tolentino sa pagkilalang ibinigay ng FDCP, sa pamamagitan ng Sine Sandaan, sa ibang mga artistang nakaligtaan nang bigyan ng parangal.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results