Bea Alonzo, mag-isang rarampa sa ABS-CBN Ball 2019

by PEP Troika
Sep 13, 2019
Bea Alonzo, mag-solong rumampa sa red carpet ng Sine Sandaan centennial program. Wala ring ka-date si Bea sa gaganaping ABS-CBN Ball ngayong weekend.
PHOTO/S: Mark Atienza

JERRY OLEA

Pinagkaguluhan nang husto sa red carpet ng Sine Sandaan sina Nora Aunor, Coco Martin, Kathryn Padilla, Daniel Padilla, Alden Richards, Piolo Pascual, Angel Locsin at ang Movie Queen of the New Generation na si Bea Alonzo.

Ginanap ang centennial celebration ng local cinema nitong Setyembre 12, Huwebes, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Sa lobby ng theater ay nakipag-chikahan si Bea kay Ricky Lee, ang guro niya sa ongoing scriptwriting workshop tuwing Linggo.

“Pinagkukuwentuhan lang po namin iyong pelikulang Moral [1982],” sabi ni Bea sa kapwa luminary na si Mario Dumaual.

Ipinagmamalaki ni Ricky Lee si Bea.

Napangiti nang matamis ang aktres, “Yes! My gosh! Nahiya ako. I don’t know what to say...

"Para sa akin, ahhmm... malaking tulong na nakakapunta ako sa workshop.

“There are things na hindi ko talaga alam about our industry na nagiging knowledgable ako because of him.”

Bakas sa mukha ni Bea ang kasiyahan na mapabilang sa Sine Sandaan.

Continue reading below ↓

Aniya, “Talagang masayang-masaya ako, and I’m very humbled to have been invited here, and to be one of the luminaries.

"Kasi, ito talagang industriyang ito, mahal na mahal ko.

“Mataas ang respeto ko sa mga tao na nasa industriyang ito. So, iyon lang. Masayang-masaya ako na we are celebrating!”

Ka-bonding ni Bea sa Sine Sandaan ang kaibigang si Angel Locsin, at ang fiancé nitong si Neil Arce.

Nakasama ni Bea sa mga pinarangalang “Leading Lady ng Sentenaryo” sina Claudine Barretto, Angel Locsin, Snooky Serna, Vina Morales, Jodi Sta. Maria, Anne Curtis, at Kim Chiu.

GORGY RULA

Isa si Bea sa pinakamagandang rumampa sa red carpet ng Sine Sandaan kagabi.

Ewan kung may nangahas na magtanong sa kanya tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson.

Gusto na niyang manahimik sa gulong ito.

Pero ang pinakaaabangan pa ay ang ABS-CBN Ball sa Shangri-La at The Fort, BGC, Taguig City, bukas, September 14.

Continue reading below ↓

Paano kung magkakasalubong sila roon nina Gerald Anderson at Julia Barretto?

NOEL FERRER

Dala-dala ni Bea Alonzo ang ganyang kagandahan sa pagrampa niya sa ABS-CBN Ball na first time niyang gagawing mag-isa.

Seven years with Zanjoe Marudo at three years with Gerald ang paglabas niya sa Star Magic Ball na simula last year ay ginawang ABS-CBN Ball.

Basta, good luck, Bea! Shine on!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Bea Alonzo, mag-solong rumampa sa red carpet ng Sine Sandaan centennial program. Wala ring ka-date si Bea sa gaganaping ABS-CBN Ball ngayong weekend.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results