The Panti Sisters, nanguna sa takilya sa first day ng PPP 2019

by PEP Troika
Sep 14, 2019
Ayon sa industry insiders, kumita ang The Panti Sisters ng P13 million sa first day nito. Kabilang ang The Panti sisters sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

NOEL FERRER

Dahil sa magandang unofficial but realiable box-office results ng The Panti Sisters na umabot ng opening day gross na PHP13M nitong Setyembre 13, Biyernes, maganda ang epekto nito sa average ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Unlike the previous years, pull away talaga at malayo ang agwat ng obvious topgrosser na pelikula nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables sa mga susunod pang entries—na sana mag-pick up pa sa mga susunod na araw.

Ang first-day topgrossers ay ang mga sumusnod: The Panti Sisters, PHP13M; Open, PHP2.2M; Cuddle Weather, PHP 1.5M.

Pumapang-apat ang I’m Ellenyal L, sumunod ang LSS, then ang halos magkalapit na Watch Me Kill then G.

P149M ang record gross ng PPP noong 2017, at P117M naman noong 2018.

Let’s see kung mabe-break ang records this year.

Sana lumakas pa ang box-office showing ng mga pelikula, lalo na yung Circa, Lola Igna, at Pagbalik na tila nilindol sa takilya nitong Friday the 13th.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang mga ito naman talaga ang mga pelikulang inaasahang maglalaban sa takilya.

Pinag-usapan ang The Panti Sisters ng ilang kabadingan at aliw na aliw sila rito kay Christian Bables.

Ang Cuddle Weather din, na pinuri ang acting ng dalawang bidang sina Sue Ramirez at Rk Bagatsing.

Sana pumalo pa ngayong weekend, at kung anumang pelikula ang hahakot ng awards bukas ng gabi sa One Esplanade, nawa’y makatulong ito sa box-office.

JERRY OLEA

Friday the 13th ang opening ng sampung official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Nagmaganda ang The Panti Sisters sa 220+ sinehan.

Ang Open, nag-open sa 200+ sinehan.

Ang Cuddle Weather, kinandong sa 180+ sinehan.

Ang I’m Ellenya L, nagpaandar sa 150+ sinehan.

Ang G, 73 ang mga sinehan.

Ang Watch Me Kill, 68 ang mga sinehan.

Ang LSS (Last Song Syndrome), 59 ang mga sinehan.

Ang Lola Igna, 33 ang mga sinehan.

Ang Circa, 28 ang mga sinehan.

Continue reading below ↓

Ang Pagbalik, 26 ang mga sinehan.

Totoo ba na “slide” ang ibang screenings ng tatlong Centennial Showcase?

That is, may kahati raw sa ibang sinehan ang Lola Igna, Circa, at Pagbalik.

Sana naman ay huwag mabawasan ng sinehan ang mga pelikulang ito na pinagbibidahan ng living legends na sina Angie Ferro, Anita Linda, at Gloria Sevilla.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Ayon sa industry insiders, kumita ang The Panti Sisters ng P13 million sa first day nito. Kabilang ang The Panti sisters sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results