StarStruck 7 winners Kim de Leon at Shayne Sava, maiaahon na sa hirap ang pamilya

by PEP Troika
Sep 16, 2019
Aminado sina Kim de Leon (kaliwa) at Shayne Sava na hirap sila sa buhay bago sumali sa StarStruck. Ngunit dahil sa mga premyo nila bilang Ultimate Survivors ay giginhawa na ang buhay ng kanilang buhay.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Ang StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon ang masyadong emotional pagkatapos niyang manalo sa talent-reality search ng GMA-7.

Hindi niya ikinakailang hirap na hirap talaga sila sa buhay, at binabalak na ng mga magulang niyang ibenta ang bahay nila sa Batangas.

Pero hindi na raw nila ito itutuloy ngayong nagwagi siya at isa na siyang certified Kapuso.

“Hindi na po kami magtitiis sa maliit na tinitirhan na inuupahan na dorm.

“Hindi na rin po matutuloy ang pagbenta ng bahay namin sa Batangas. Makakatulong po talaga ito.

“Ayaw ko po kasi sana ipabenta, kaya lang kailangan na kailangan na po talaga.

“Ngayon po, mas mapapaganda pa po siguro,” lumuluhang pahayag ni Kim.

Ganun din si Shayne na noong nagsimula pa lang ang StarStruck ay sinasabi na niyang hirap talaga sila na minsan ay kinukulang pa sila ng pamasahe papuntang GMA-7 galing Binangonan, Rizal.

Kaya sinasabi niya noon pa kapag manalo siya, ililipat na niya ng bahay ang kanyang pamilya, at tutulong siya sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid. “

Continue reading below ↓

Siyempre, una po, gusto ko rin sila mabigyan ng bahay. Kaya para sa kanila po ito lahat,” saad ni Shayne.

Bahala na raw ang GMA-7 kung ano ang unang project na ibibigay sa kanila.

Pero gusto raw sana nilang makasama uli ang Avengers, dahil miss na miss na nila ang kapwa hopefuls nila sa StarStruck.

NOEL FERRER

Congratulations sa mga nagsipagwagi!

Sana magamit ninyo sa mabuting paraan ang mga premyo ninyo at sana, umunlad pa ang inyong buhay at sining!

JERRY OLEA

Nawa’y matupad ang mga pangarap nila sa buhay, at may maiambag sila sa pag-unlad ng industriya ng TV, musika at pelikula.

Dream! Believe! Survive!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado sina Kim de Leon (kaliwa) at Shayne Sava na hirap sila sa buhay bago sumali sa StarStruck. Ngunit dahil sa mga premyo nila bilang Ultimate Survivors ay giginhawa na ang buhay ng kanilang buhay.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results