Starla ni Judy Ann Santos, pang-umaga ang timeslot?

by PEP Troika
Sep 17, 2019
Ang Starla ni Judy Ann Santos ang isa sa mga nakalinyang bagong programa ng ABS-CBN. Pero gaano katotoo na pang-umaga ang timeslot nito?
PHOTO/S: Dreamscape Instagram

JERRY OLEA

Mamamatay na ba si Lazaro “Uwak” Enriquez (Gardo Versoza) sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Inilabas na kasi ng ABS-CBN ang teaser ng teleseryeng Sandugo, kung saan kontrabida sina Gardo at Vina Morales.

Itong Sandugo ang papalit sa The General’s Daughter, di ba?

Curious din kami kung matetegi na si PMaj. Victor A. Basco (Raymart Santiago) sa teleserye ni Coco Martin.

Ang alam kasi namin ay magtatapos na rin ang Kapamilya morning show na Nang Ngumiti Ang Langit, at ang ipapalit dito ay ang Starla na bida sina Raymart at Judy Ann Santos.

Matatapos na nga ang taping ng Starla sa Oktubre, di ba?

Magtatapos na rin ang Los Bastardos. May thanksgiving presscon na ito bukas, Miyerkules, Setyembre 18.

Ang sabi ni Albie Casiño sa storycon ng Isa Pang Bahaghari noong Hulyo 28, hanggang Oktubre na lang ito.

OK lang kay Rosanna Roces na pinatay ang karakter niya sa istorya nito, dahil nakatalon agad siya sa bagong drama series na Pamilya Ko.

Continue reading below ↓

Ano kaya ang papalit sa Los Bastardos?

NOEL FERRER

Kung mag one-plus-one tayo, puwede ngang ang Starla at Sandugo ang pumalit sa mga existing teleseryes na magtatapos na.

Pero kasama ba rito ang mga Koreanovela na parang matatapos na rin?

Bandang last quarter, nag-uubos ang advertisers ng kanilang ad budget.

So, ito na ba ang chance ng Starla? Masarap kumita kapag Pasko, di ba?

GORGY RULA: Okay lang ba kay Judy Ann Santos kung pang-umaga ang Starla?

Sinasabi kasi ng ilang sumusubaybay sa mga teleserye na pambata talaga ang Starla, kaya puwedeng yun ang ipalit sa Nang Ngumiti ang Langit.

Si Lorna Tolentino naman ay dapat hanggang ngayong September lang sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero mukhang mae-extend pa siya.

Mukhang matindi rin pala ang drama sa Sandugo na bida sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Samatala, dalawang linggo na lang at matatapos na rin ang The Better Woman ng GMA 7.

Continue reading below ↓

Ang One of the Baes nina Rita Daniela at Ken Chan ang ipapalit dito.

Nakatakda rin palang mag-guest si Ruru Madrid sa The Gift.

Nakapag-taping na siya at tuwang-tuwa siyang nakatrabaho niya si Alden Richards.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Starla ni Judy Ann Santos ang isa sa mga nakalinyang bagong programa ng ABS-CBN. Pero gaano katotoo na pang-umaga ang timeslot nito?
PHOTO/S: Dreamscape Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results