Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Tambalang Carlo Aquino at Maine Mendoza, cute at nakakakilig

by PEP Troika
Sep 17, 2019
PHOTO/S: Black Sheep

JERRY OLEA

Naka-101K views na ang official teaser ng pelikulang Isa Pa With Feelings makalipas ang 17 oras nang i-upload ito sa YouTube noong Setyembre 16, Lunes ng gabi.

Cute at nakakakilig ang mga eksena nina Mara (Maine Mendoza) at Gali (Carlo Aquino), lalo na nang magsayaw sila sa saliw ng kantang "Buwan" ni JK Labajo.

Magkapit-condo unit ang dalawa.

Pipi si Gali, at siya ang naging sign language teacher ni Mara.

Ipapalabas na sa Oktubre 16 ang tambalang CarMaine, or is it CarMa?

NOEL FERRER

Hindi man kasinlaki ng scope ng Hello, Love,Goodbye na may OFW angle at shoot pa abroad, itong Isa Pa With Feelings, although another one of those modern love stories, ay may promise in terms of adult content, and let’s accept it—a very competent cast na handa nang magpaka-mature, and can risk to go beyond the usual “kilig.”

Ako, interested ako sa pelikula... and I have closely identified the CarMaine tandem as highly take-me-as-I-am and with no pretensions.

Continue reading below ↓

Bibigyan natin ito ng chance!

GORGY RULA

Nasilip ko ang trailer ng naturang pelikula, mukhang maganda at may kilig din silang dalawa!

Ang napansin ko pa sa trailer, maganda roon si Maine. Mukhang inalagaan siya nang husto sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dito matsa-challenge nang husto ang fans ni Maine na dapat maganda rin ang kalabasan nito sa pelikula.

Sana, todo rin ang suporta rito ng AlDub fans.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Black Sheep
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results