The Panti Sisters, runaway winner sa PPP 2019 box-office race

by PEP Troika
Sep 17, 2019
Ayon sa Black Sheep, naka-PHP61.8M ang The Panti Sisters sa tatlong araw na pagpapalabas nito.

JERRY OLEA

Naka-PHP13M ang The Panti Sisters noong opening day, Friday the 13th.

On its second day (Saturday), naka-PHP23M ito, kaya umabot sa P36M ang two-day gross nito.

In-announce ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra sa PPP 2019 Gabi ng Parangal at Pasasalamat noong Setyembre 15, Linggo, sa One Esplanade na umabot sa PHP60M ang total two-day gross ng indie filmfest.

Ibig sabihin, naka-PHP24M ang pinagsama-samang kita ng siyam na iba pang entries ng PPP.

Nitong Lunes, ipinost ni FDCP Chair Liza na ang total three-day gross ng PPP 2019 ay PHP88.5M.

Tweet ng Black Sheep, sa loob ng tatlong araw ay naka-PHP61.8M ang The Panti Sisters.

Ibig sabihin, PHPP26.7 more or less ang kabuuang gross ng siyam na iba pang entries ng PPP 2019 sa loob ng tatlong araw (Biyernes hanggang Linggo).

NOEL FERRER

Ngayong Setyembre 17, Martes, walang pasok on all levels ang maraming eskuwelahan sa Metro Manila.

Sana ay makuha nilang manood ng mga pelikulang lahok sa PPP2019, tulad ng ginawa ng publiko sa Hello, Love, Goodbye na nakinabang sa holidays and class suspensions.

Continue reading below ↓

Pero teka, napaka-limited na ng mga sinehang nagpapalabas ng Best Picture na Lola Igna.

Si Manny Valera ay sinadya ito sa festival sked niya sa Gateway.

Si Direk Rowell Santiago, sa Cinema ‘76 sa Greenhills nanood.

Sabi nga ni Best Actress Angie Ferro, “Ano ang silbi ng Best Picture kung wala o kokonti na ang mga sinehan na magpapalabas nito?”

GORGY RULA

Maganda ang feedback sa Lola Igna.

Kaya ang sinasabi agad ng mga nakapanood, habulin na ito sa mga sinehan, at tingnan ang schedule ng screening dahil slide lang ang karamihang sinehang pinagpalabasan nito.

Yung Circa nga raw, minsan ay may mga sinehang walang nanonood.

Kaya sana, may maiwan pang sinehan sa magagandang pelikula kahit hanggang weekend man lang.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa Black Sheep, naka-PHP61.8M ang The Panti Sisters sa tatlong araw na pagpapalabas nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results