PPP 2019, mas lumakas sa takilya dahil sa The Panti Sisters

by PEP Troika
Sep 19, 2019
PPP 2019 winners (L-R): Colorado Rutledge (Best Editing, Watch Me Kill); Marcin Szocinski (Best Cinematography, Watch Me Kill); Tuesday Vargas (Best Supporting Actress, LSS); Angie Ferro (Best Actress, Lola Igna); Tyrone Acierto (Best Director, Watch Me Kill), Martin del Rosario (Best Actor, The Panti Sisters).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ikapito at huling araw ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong Setyembre 19, Huwebes.

Runaway winner sa takilya ang comedy na The Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario (best actor ng PPP 2019).

Malamang na ma-extend ito sa mga sinehan.

Mangilan-ngilan lamang ang sinehan ng Lola Igna, ang best picture ng filmfest.

Napakahusay rito ng 82-anyos na si Angie Ferro, deserving ng nakamit na best actress trophy.

Sa istorya, 118-anyos si Lola Iska at ayaw niyang sumabog ang kanyang pantog. Wala siyang keber na umihi kahit nakatayo siya sa harap ng mga tao.

Pasabog ang pagganap ni Maris Racal bilang dalagang milenyal sa I’m Ellenya L. Taeng-tae si Ellenya na sumikat sa social media.

Best suppoting actor dito si Gio Alvarez.

Sa Circa, 100 years old ang karakter ng bidang si Anita Linda (94-year-old sa totoong buhay) bilang Doña Atang, na dating movie producer.

Continue reading below ↓

Isa ito sa mga huling pelikula ni Eddie Garcia.

Mapapanood pa si Manoy sa Kalel, 15 na tampok din sina Jaclyn Jose at Elijah Canlas, maging sa Kings of Reality Shows (The Untold Story).

Pang-milenyal ang musical na LSS (Last Song Syndrome), tampok ang musika ng Ben&Ben at ang magkasintahang Kahlil Ramos at Gabbi Garcia.

Best supporting actress dito si Tuesday Vargas.

Na-surprise ako sa mga eksenang kinunan sa magkatabing bayan ng Pakil at Pangil sa Laguna.

Ang ganda ng cinematography ng Watch Me Kill, na film ang ginamit. Iba ang texture kumpara sa digital movies.

Best director dito si Tyrone Acierto.

Hugot kete hugot si Arci Muñoz sa Open.

Dinaklot niya ang harapan ni JC Santos. Walang keber magbuyangyang ng behind si JC.

May mabilis na butt exposure sina Jameson Blake, Mark Oblea, at Paolo Angeles sa G. Pa-tweetums si McCoy de Leon.

Hindi ko pa napapanood ang Cuddle Weather, ngunit swak din daw ito sa panlasa ng mga milenyal.

Continue reading below ↓

Hopefully, may sinehan pa ang Pagbalik ng mag-inang Gloria Sevilla at Suzette Ranillo.

NOEL FERRER

Ayun na nga, it seems na napakaraming pelikulang lokal na napoprodyus pero nakakalungkot na iilan lang sa kanila ang kumikita.

Sa PPP entries, ang mukhang may legs para magpatuloy sa sinehan ay ang The Panti Sisters, Open, LSS: Last Song Syndrome, at Cuddle Weather.

Continue reading below ↓

Better luck next time sa iba.

Sana, habulin pa nating mapanood ang mga pelikulang ito, lalo na ang Best Picture na Lola Igna kahit sa mga micro-cinema na lamang.

GORGY RULA

As of September 17, Tuesday, ay naka-PHP85M na ang The Panti Sisters, at ito ang pelikulang nagpalakas sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Noong huling na-check ko kay Madam Liza Diño-Seguerra ng FDCP, naka-PHP105M na raw ang sampung pelikula noong September 16, Lunes.

Pero maganda kasi ang word of mouth sa ilang pelikulang kalahok, gaya ng Lola Igna at LSS.

Karamihan sa millennials, gusto rin nila ang LSS at Cuddle Weather.

Kaya ipinapakiusap pa ng FDCP Chairperson na sana ay mapagbigyan sila ng theater owners na mag-extend, #ExtendPPP.

JERRY OLEA

Bukas, Setyembre 20, Biyernes, ay mag-o-open sa mga sinehan ang Marineros ni Michael de Mesa, kasabay ang Hollywood movies na Ad Astra ni Brad Pitt, Rambo: Last Blood ni Sylvester Stallone, at The Dragon Seal nina Jackie Chan & Arnold Schwarzenegger.

Continue reading below ↓

Sa Setyembre 25, Miyerkules, ang opening naman ng Kiko en Lala nina Super Tekla & Ai Ai de las Alas, #Jowable nina Kim Molina & Jerald Napoles, at Hustlers nina Jennifer Lopez & Constance Wu.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PPP 2019 winners (L-R): Colorado Rutledge (Best Editing, Watch Me Kill); Marcin Szocinski (Best Cinematography, Watch Me Kill); Tuesday Vargas (Best Supporting Actress, LSS); Angie Ferro (Best Actress, Lola Igna); Tyrone Acierto (Best Director, Watch Me Kill), Martin del Rosario (Best Actor, The Panti Sisters).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results