Former actor, ginamit ang pagiging MTRCB deputy nang sitahin dahil sa maling pagpa-park

by PEP Troika
Sep 19, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Hanggang saan ba ang karapatan ng isang MTRCB Deputy sa pag-a-assert ng kanyang karapatan?

Katuwang dapat at hindi umaabuso ang isang MTRCB Deputy card holder—na isa ring dating aktor—lalo pa’t isang public personality at malapit siya sa isang politiko.

Halos ikaapat na beses nang nagpa-park ang dating aktor sa maling lugar sa isang mall.

Nang pakiusapan siyang ayusin muna ang puwesto ng kanyang kotse bago bigyan ng tickets sa sine ay nagalit ito sa nangangasiwa sa sinehan.

Ang sabi raw ng dating aktor: “Isusumbong ko kayo sa MTRCB. Puwede kayong mapasara dahil dito.”

Kabaligtaran ang nangyari.

Wala sa naturang paghaharap ang dating aktor, at pinanigan ng MTRCB ang mall dahil sa nakakahiyang inasal ng tila entitled na ex-actor.

Sabi ng taong nakakaalam ng isyu, sana ay umayus-ayos ang ex-actor sa kanyang mga kilos dahil nakakahiya sa senador na identified sa kanya.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Harinawang maresolba ang usaping ito sa lalong madaling panahon, at huwag nang madawit ang senador dahil wala siyang kinalaman sa reklamong idinulog sa MTRCB.

Nawa’y maging malinaw at maliwanag ang mga bagay-bagay sa pangyayaring ito.

GORGY RULA

Maraming bansag sa taong ito.

Baka akala niya, dahil sa mga titulong ikinakabit sa kanya, napaka-powerful na niya.

Palibhasa, ang bongga kasi at mamahalin ang kotse niya. Kaya baka tingin niya, puwede na siyang mag-park kahit saan.

Pero sisikapin ko pa ring hingin ang panig niya bago tayo magbigay ng mas malalim na opinyon.

Puwede pa nating isulat ang kuwento niya kahit hindi pa-blind item.

Pero teka, interesado kaya ang readers natin sa kanya?

Mas maiging mag-ingat ang taong ito at baka madamay pa ang maimpluwensiya at powerful ding taong malapit sa kanya.

Hindi siguro iniisip ng taong ito na isa siyang langaw na naniniwalang mas malaki pa sa kalabaw na tinutuntungan niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results