Sanya Lopez bida sa Magpakailanman; Barbie Imperial tampok sa MMK

by PEP Troika
Sep 19, 2019
Gaganap si Sanya Lopez (kaliwa) na babaeng matutuklasang may karelasyong bading ang boyfriend nito sa Magpakailanman, habang si Barbie Imperial (kanan) naman ay gaganap bilang babaeng naghahanap ng pagmamahal ng ina sa Maalaala Mo Kaya.
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook / Maalaala Mo Kaya (YouTube)

JERRY OLEA

Sabi nila, kung ano ang puno ay siya ring bunga. Panghahawakan mo ba ito sa lahat ng pagkakataon o ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran?

Abangan ang madramang pagganap nina Ina Raymundo at Barbie Imperial bilang mag-ina sa Maalaala Mo Kaya sa Setyembre 21, Sabado, 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Tampok din sa episode na ito sina Markus Paterson at Jomari Angeles.

Continue reading below ↓

Samantala, matutunghayan sa Magpakailanman sa Sabado ang episode na pinamagatang "Ang Babaeng Binulag ng Pag-ibig."

Ano ang magiging reaksiyon ni Leny (Sanya Lopez) kapag nalaman niyang may kinakasamang beki (Nar Cabico) ang kanyang boyfriend (Jon Lucas)?

GORGY RULA

Bumebenta pa rin sa mga manonood ang temang kabadingan.

Sa PPP 2019, runaway winner sa takilya ang The Panti Sisters.

Continue reading below ↓

Bagay na bagay si Jon Lucas sa role na dyowa ng bading, pero sana ay tunay na lalaki, at pambidang aktor ang pinaganap nila sa bading na role.

Bukod sa drama, magkatapat din sa paseksihan sina Barbie at Sanya.

Tingnan natin kung sino ang mas kakagatin.

NOEL FERRER

Coming from a replay sa Magpakailanman, mukhang babawi ito sa isang kontrobersiyal na beki episode with Nar Cabico.

Bukod kay Jon Lucas, kinakitaan na natin ng potensiyal si Sanya Lopez.

Sa MMK naman, Ina and Barbie ang tandem. Maganda pareho.

Curious ako kung alin ang mas kakagatin ng tao—pagkatapos ng salpukang The Voice Kids at The Clash.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaganap si Sanya Lopez (kaliwa) na babaeng matutuklasang may karelasyong bading ang boyfriend nito sa Magpakailanman, habang si Barbie Imperial (kanan) naman ay gaganap bilang babaeng naghahanap ng pagmamahal ng ina sa Maalaala Mo Kaya.
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook / Maalaala Mo Kaya (YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results