Apat na PPP 2019 entries, extended ang showing sa mga sinehan

by PEP Troika
Sep 19, 2019

JERRY OLEA

Extended ang nationwide showing ng Top 4 films ng Pista ng Pelikulang Pilipino 3, post ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra sa Facebook nitong Setyembre 19, Huwebes ng gabi.

Marami-rami pa rin ang mga sinehan ng The Panti Sisters, Open, Cuddle Weather, at LSS: Last Song Syndrome simula bukas, Biyernes, na opening day ng indie movie ni Michael de Mesa na Marineros.

Ang best picture na Lola Igna at ang tatlo pang main entries ng PPP3 (G!, I’m Ellenya L, at Watch Me Kill) ay mapapanood pa rin sa tatlong SM Cine Lokal theaters mula Setyembre 20 hanggang 26—SM Manila, SM Megamall, at SM Bacoor. “

Maraming salamat sa ating mga cinema partners for all the support,” sabi pa ni FDCP Chair Liza.

Ang naligwak ay ang Sandaan Showcase films na Circa (Anita Linda & Eddie Garcia) at Pagbalik (Gloria Sevilla & Suzette Ranillo).

NOEL FERRER

Ako mismo ay naghabol ngayong Huwebes at nakatatlong entries.

Continue reading below ↓

So, with the earlier two na napanood ko na, not bad na nangalahati rin ako sa entries this year!

Of the lot, nagustuhan ko ang Lola Igna, The Panti Sisters, at LSS.

Yung dalawa pang napanood ko ay so-so na lang.

But even so, magandang balita itong extension na ito, ha!

Teka, extended din ba ang pag-honor ng PPP3 Festival Passes? Just asking!

GORGY RULA

As of September 18, Wednesday, naka-PHP94M+ na ang The Panti Sisters kaya tiyak nang kumita riyan ang producers.

Posibleng aabot pa ito ng PHP150M dahil may mga natitira pa siyang mga sinehan.

Hindi lang ako sure kung nakabawi na ang Open na naka-PHP14M+ na kahapon, at almost PHP10M naman ang Cuddle Weather.

Yung iba, sure na lugi sila. Kaya nakakalungkot pa rin ang resulta kung tutuusin.

Sana, matutunan na talaga ng sambayanan na panoorin ang Pelikulang Pilipino.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results