Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Albie Casiño at Migs Almendras, tinakot ni Direk Joel Lamangan sa kissing scene nila

by PEP Troika
Sep 20, 2019
Ayon kay Albie Casino (kaliwa), hindi siya nailang sa kissing scene nila ng kapwa aktor na si Migs Almendras sa pelikulang Isa Pang Bahaghari, lalo pa't ikatlong beses na itong gumanap siya na isang gay.
PHOTO/S: Noel Orsal / @migs_almendras on Instagram

JERRY OLEA

Natapos ang shooting ng pelikulang Isa Pang Bahaghari sa Cavite kahit panay-panay ang ulan.

“Ay! Kesehoda, day! Ay, naku! Magpakabasa kayo! Kailangan natin ‘yan! Matapos na tayo! Kailangang matapos natin!” sabi ni Direk Joel Lamangan nang makausap namin sa Sine Sandaan event noong Setyembre 12, Huwebes sa New Frontier Theater, QC.

Continue reading below ↓

Director Joel Lamangan

Bida sa pelikula sina Nora Aunor, Phillip Salvador, at Michael de Mesa.

“Magaling si Ate Guy, ‘day! Walang kupas!” seryosong sambit ni Direk Joel.

Kumusta si Maris Racal na gumanap bilang young Nora Aunor?

“Ay, mahusay na bata. Pati iyong mga anak na bata, lahat, mahusay.

"Si Sanya [Lopez], mahusay pala. Hindi ko alam.

“Nag-pole dance siya. Una, sabi niya, ‘Puwede bang magkaroon ng stockings?’ ‘HINDI!’

“Eto na naman, mag-uumpisa na, ‘Puwede bang maglagay ng fish net?’ ‘HINDI!!!’ Natakot, 'Day! So, wala nang fish net, wala nang stockings!”

Ano ang sabi ni Nora kay Maris?

“Nagandahan siya. Sabi niya, ‘Maganda pala ako noong araw.’ ‘Oo naman, Ate Guy! Maganda ka naman talaga. Yung Himala, maganda ka. Kamukha ka niya sa Himala.’

“Tuwang-tuwa naman si Ate Guy, natapos niya. At umuuwi si Ate Guy, 9:00 (PM)! Hindi naman 5:00 (PM)... 9:00!”

Continue reading below ↓

Maris Racal (left) as young Nora Aunor (right) in Isa Pang Bahaghari

Na-delay nga ba ang shooting dahil nagkasakit si Ate Guy?

“Oo, neng! Pag siya’y hinihika. Pag dumidilim na, humihika na... natatakot na ako. ‘Hah! Hah! Hah!’ Hinihika talaga!

“Tabing-dagat kasi kami, 'tapos umuulan-ulan pa!

"May bagyo. Pag bumabagyo, natatakot na ako! Diyos ko! Lumipad iyong tatlong tent, day!

“Takbo si Ate Guy!”

NOEL FERRER

Ayan na, magkakaalaman na!

Ngayon ang deadline ng finished films na sasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Hanggang 5:00 PM lang ang submission sa MMFF Secretariat sa MMDA Office kaya excited ako kung ilan ang magsusumite at sana, magaganda talaga bilang pagdiriwang na rin ng 45th MMFF sa Centennial ng Philippine Cinema.

JERRY OLEA

Inurirat ko rin si Direk Joel kaugnay sa intimate scene nina Albie Casiño at Migs Almendras na gumanap bilang young version nina Phillip at Michael.

Tinakot ba niya sina Albie at Migs?

Continue reading below ↓

“Medyo! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Direk Joel (na magbi-birthday bukas, Setyembre 21, Sabado).

“Naghalikan sila. Kunyari, lasing si Albie...”

Albie Casino (left) and Migs Almendras

Sa thanksgiving presscon ng Kapamilya teleseryeng Los Bastardos noong Setyembre 18, Miyerkules, sa 9501 Restaurant ng ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, inusisa ko si Albie kung tinakot nga ba silang dalawa ni Migs ni Direk Joel kaugnay sa kissing scene?

Continue reading below ↓

“Ay, opo!” natawang tugon ni Albie.

“Actually, ako naman po, hindi masyadong nakatikim kay Direk Joel. Hindi naman po ako natatakot kay Direk Joel, di ba?

“It’s my third film working with him now. Siguro, yung pinakauna, takot na takot.

"Sa second, hindi naman takot... prepared!

“And dito sa third, I know na how to work with Direk Joel, di ba?

"So, all he wants naman is for you to be prepared, di ba?

“Don’t be late on the set. Be prepared. Read your materials. Do your homework.”

Naging awkward ba siya sa kissing scene nila ni Migs?

“Ako, hindi,” mabilis na tugon ni Albie.

“Ako naman kasi, I’ve done multiple gay roles already, di ba?

"I’ve won an award for... 'Tanglaw' with MMK, and I’ve been a transgender.

“So, for me, it’s really, alam mo yun... ang arte, arte lang talaga.

"And of course, with Joel Lamangan, I have the best coach!

Continue reading below ↓

"With me around... on set... all the time, di ba?

“Jake Cuenca, who did Lihis with Joel Lamangan, di ba? Ang lakas talaga ng energy ni Jake na natatanggap mo lang.

“Di ba? It’s true. It’s the role. It’s the character. It doesn’t mean that you’re that way.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Albie Casino (kaliwa), hindi siya nailang sa kissing scene nila ng kapwa aktor na si Migs Almendras sa pelikulang Isa Pang Bahaghari, lalo pa't ikatlong beses na itong gumanap siya na isang gay.
PHOTO/S: Noel Orsal / @migs_almendras on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results