Sen. Bong Revilla, balik-panata sa Our Lady of Peñafrancia pagkatapos makalaya

by PEP Troika
Sep 20, 2019
Ipinagpatuloy ni Senator Bong Revilla ang kanyang panata ngayong nakalaya na siya. Ngayong Biyernes, September 20, nagpunta sa Camarines Sur ang senador para bumisita sa Our Lady of Peñafrancia.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

“Ang sarap ng pakiramdam,” bulalas ni Senator Bong Revilla pagkatapos niyang magsimba sa Naga Cathedral at nakalapit at nahawakan ang Our Lady of Peñafrancia nitong Setyembre 20, Biyernes ng umaga, sa Naga City.

Isa kasi ang actor-politician sa mga namamanata sa Our Lady of Peñafrancia at talagang pumupunta sa Naga City tuwing fiesta nito.

Natigil ang kanyang panata nang makulong siya sa Camp Crame sa loob ng mahigit apat na taon. Pero may poon siya ng Peñafrancia sa may altar ng kuwarto niya sa Camp Crame.

Kaya noong nakakulong siya, ang misis niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado o kaya ay anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang pumupunta para hindi matigil ang panata ng buong pamilya.

Matalik na magkaibigan si Senator Bong at ang namayapang Secretary Jesse Robredo.

Kaya pagdating ni Senator Bong kanina ng Naga, bigla niyang na-miss ang mister ni Vice President Leni Robredo na sumasalubong sa kanya noon kapag dumadating siya sa Peñafrancia Festival.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Senator Bong, magmula nang lumabas siya ng Camp Crame, isa sa ginawa niya ay puntahan ang madalas niyang pinagsasambahan—gaya ng Sto. Niño de Cebu, ang Our Lady of Manaoag sa Pangasinan, at ngayon itong Our Lady of Peñafrancia sa CamSur.

Nadagdagan pa ang pag-Visita Iglesia niya nang nagsimula siyang umikot sa mga probinsiya noong panahon ng kampanya.

Marami siyang ipinagpasalamat kanina sa Our Lady of Peñafrancia, lalo na’t ipagdiriwang niya ang kanyang 53rd birthday sa Miyerkules, September 25.

First birthday celebration kasi ito ni Senator Bong pagkatapos niyang makalabas ng Camp Crame.

December 7, 2018 nang makalaya ang senador mula sa Camp Crame, dahil sa “not guilty” verdict ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot niya sa pork-barrel scam.

JERRY OLEA

Mabiyayang kaarawan, Senador Bong Revilla!

Dalangin namin ang makabubuti para sa iyo, sa iyong pamilya, at mga mahal sa buhay, at sa ating bayan!

Continue reading below ↓

Sumaatin nawa ang pagpapala ng Nuestra Señora de Peñafrancia!

NOEL FERRER

Maligayang kaarawan, Senator Bong Revilla. Kasihan nawa kayo ni Ina!

Happy birthday rin sa aming PEP KA-TROIKA na si Jerry Olea bukas, September 21. Uunahan na natin ngayong Bisperas ng pag-alala ng Martial Law.

Bukas kasi, magiging masalimuot na ang birthday ni Direk Joel Lamangan at marami ring ganap—CCP Anniversary, staging ng Himala: Isang Musikal, at iba’t ibang mga kilos protesta.

Sa araw na ito, tamasahin natin ang pagpapala at biyaya ni Ina ng Peñafrancia!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagpatuloy ni Senator Bong Revilla ang kanyang panata ngayong nakalaya na siya. Ngayong Biyernes, September 20, nagpunta sa Camarines Sur ang senador para bumisita sa Our Lady of Peñafrancia.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results