Concert superstars, patuloy ang taunang pagpupugay sa mga guro

by PEP Troika
Sep 22, 2019
A star-studded lineup of guest performers led by Regine Velasquez, Martin Nievera and Sharon Cuneta is expected to bring joy to more than 20,000 teachers at tonight's Gabay Guro Grand Gathering at the SM MOA.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Mahigit 20,000 na mga guro ang inaasahang dadalo sa Gabay Guro Grand Gathering ngayong Linggo, Setyembre 22, sa SM Mall of Asia Arena (MOA).

Ilan sa mga dadalo para pasayahin ang mga guro ay sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gabby Concepcion, Kuh Ledesma, Piolo Pascual, at Ian Veneracion.

Sina Jose Manalo, Wally Bayola at Dimples Romana ang maghu-host kung saan marami silang ipa-raffle sa masuwerteng guro gaya ng house & lot at Foton car.

Malaki ang pasasalamat ng chairperson ng Gabay Guro na si Chaye Cabal-Revilla sa stars na taun-taon nilang nakakasama sa pagtitipong ito.

Volunteers ang tawag nila sa stars na laging sumasali rito dahil kagaya natin, mahal din nila ang kanilang mga guro.

Ang iba na hindi pumupuwede sa schedule, tumutulong sa pagpu-promote sa social media, kagaya ni Derek Ramsay na hindi nagswak sa schedule niya ang grand gathering na ito ngayong araw, pero nag-post sa Instagram, “It saddens me that I can’t be there this year but I’ll always support this event because our teachers deserves so much respect.

Continue reading below ↓

“Their role in our society is so important for they help and secure the future of our youth.”

NOEL FERRER

Nandiyan nga ang Megastar Sharon Cuneta, Tito Gorgy!

Pakisabi sa kanya na may pitch ang kaklase namin sa Ricky Lee Writing Workshop class na si Sheron Dayoc, award-winning director at producer (Women Of The Weeping River at John Denver Trending, among others) na pelikula para sa kanila ni Cherie Gil.

Isang international project ito na possible na may Canadian co-production.

Excited si Cherie na marinig ang kuwento dahil migrant workers sila ni Shawie sa pelikula sana.

Ihahanda ang pitch sa pagtatapos ng klase namin at pagkatapos din ng Iconic concert nina Mega at ni Songbird sa Araneta.

Exciting ito!!!

JERRY OLEA

With Sharon & Regine at the Gabay Guro gathering, parang patikim na ito sa Iconic concert nila sa Oktubre 18 & 19 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Nawa’y suportahan din ng mga guro ang back-to-back concert ng Megastar at ng Asia’s Songbird.

Continue reading below ↓

Kaya lang, sa dalawang gabi ng Iconic concert ay may pasiklab din ang second edition ng Pinoy Playlist Music Festival (PPMF), na gaganapin sa Oktubre 11, 12, 13, 18, 19 at 20 sa tatlong venue ng BGC Arts Center, Taguig City.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A star-studded lineup of guest performers led by Regine Velasquez, Martin Nievera and Sharon Cuneta is expected to bring joy to more than 20,000 teachers at tonight's Gabay Guro Grand Gathering at the SM MOA.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results