PBB Otso housemate Franki Russell, mas gustong lalaki ang ka-love team

by PEP Troika
Sep 22, 2019
PBB Otso housemate Franki Russell is elated over netizens' warm reception of her tandem with fellow housemate Diana Mackey. However, she points out that she still prefers to have a guy as her future love team partner.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagulat ang PBB Otso housemate na si Franki Russell sa mainit na pagtanggap ng netizens sa tandem nila ni Diana Mackey.

Ilang beses na nag-trending sa Twitter ang Frankiana tandem pagkatapos silang binansagang ‘Kiwi sisters’ noong nasa PBB house sila, lalo nang inamin ni Diana na bisexual siya at nakikipag-date sa kapwa-babae.

“It’s very crazy and they trend every day on Twitter, and I can’t believe it. I’m blown away.

“It’s crazy. We’ve got exciting projects coming up together,” bulalas ni Franki nang nakapanayam ng PEP Troika nang mag-judge siya sa Misters of Filipinas sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City, nitong nakaraang Sabado, September 21.

Nilinaw ni Diana na hindi siya attracted kay Franki, kundi close friends lang silang dalawa.

Okay lang kay Franki kung ginagawa silang tandem, pero hindi sana magka-love team dahil gusto niyang may ka-love team siyang lalaki.

Continue reading below ↓

“I've always been… men talaga!” napapangiti niyang pahayag.

Ang type niyang maka-love team ay ang housemate ding si Argel Saycon dahil ang cute daw. Pero may girlfriend na ito at nirerespeto niya raw ito.

Mas umepek kasi ang tandem nila ni Diana, kaya kinuha silang dalawa sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kakaibang experience para kay Franki na nakatrabaho niya si Coco Martin.

“Ang suwerte ako. I learned a lot from him.

"He’s so inspiring. He’s acting, he’s directing. I’m looking forward to work with him pa,” pakli ni Franki.

Dahil sa lakas ng Frankiana tandem sa netizens, nagkainteres ang isang Spanish magazine na Padrisimo at iniimbita silang mag-pictorial sa Spain.

Hindi pa raw alam kung sa Barcelona o sa Madrid gagawin ang pictorial.

Hindi pa masabi kung ilalabas sila ni Diana as a couple o magka-love team.

Continue reading below ↓

Nilinaw raw sa kanila na entertainment magazine itong Padrisimo at hindi pang-LGBT.

Nakatakda silang mag-pictorial doon sa November.

NOEL FERRER

Hindi ako aware sa kanila. Kailangang makilala ko pa sila.. like Kyline Alcantara!

Sino kaya ang mas malayo ang mararating sa kanila?

JERRY OLEA

Makakarating sa Spain si Franki, samantalang umiinit na ang promo para sa launching movie ni Kyline na Black Lipstick.

Pa-tweetums si Kyline sa leading men na sina Manolo Pedrosa at Migo Adecer.

Sabi ni Franki, sobrang grateful sila ni Diana sa support ng fans, at sobrang close silang friends—pero iyon na nga, hindi raw aabot sa totohanan ang kanilang relasyon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Otso housemate Franki Russell is elated over netizens' warm reception of her tandem with fellow housemate Diana Mackey. However, she points out that she still prefers to have a guy as her future love team partner.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results