Jerome Ponce, itinanggi ang diumano'y nude photo scandal

by PEP Troika
Sep 23, 2019
Jerome Ponce on rumored photo scandal: “Iniisip ko, hawak ko ba ang phone ko habang nasa CR ako? Parang wala. So, confident ako. Alam ko sa sarili na hindi ako maganun. Sure na sure ako."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Kaagad na itinanggi ni Jerome Ponce ang kumakalat na sex scandal.

Hindi kita ang mukha, pero siya ang itinuturo sa kumakalat na litrato ng isang lalaking hubo’t hubad.

Una niyang sagot, “Pag malaki, akin yun... pero pag ano… joke lang.”

Aware siya sa isyung ito dahil ang dami nang nagtatanong sa kanya.

“Ever since naman, tinatanong… laging nagsasabi sa akin na, ‘Uy, may lumabas daw…’ ‘Ha?!’

“Iniisip ko, hawak ko ba ang phone ko habang nasa CR ako? Parang wala.

"So, confident ako. Alam ko sa sarili na hindi ako maganun.

“Sure na sure ako.

“Kung meron man... e, di akin na yun. Pinipilit, e, di akin na lang. Hindi talaga, e.

“May nagsabi sa akin... almost yearly, may mga ganyan, e.

“Sigurado naman ako. Phone ko nga, wala, bakit magkakaroon pa sa internet?

“Hindi ako ganung klaseng tao,” pahayag ni Jerome nang nakausap namin sa mediacon ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love nitong Setyembre 23, Lunes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya apektado sa ganoong isyu.

Mas nakaka-stress pa raw ang ginawa niya sa pelikulang ito kung saan isang bading ang ginampanan niya at may ginawa siyang daring scene kasama si Anjo Damiles.

“Ang dami kong nilunok… paninibago, e.

“Hindi ko kinaya pero masarap din na nagawa ko yun,” pakli ng Kapamilya actor.

JERRY OLEA

Gaano karami kaya ang nilunok ni Jerome para mabigyan niya ng justice ang gay role sa Regal movie na ito?

In fairness, agaw-pansin siya sa trailer.

Pero siyempre, may kani-kanyang moment ang dalawa pang bidang lalaki rito na sina Albie Casiño at Tony Labrusca.

Nakausap ko si Albie sa thanksgiving mediacon ng Los Bastardos noong Setyembre 18, Miyerkules, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., QC.

“Ensemble story siya talaga, it’s the story of a group of friends, it’s not just one person.

“Siguro, ang pinaka-highlight ng karakter ko doon, he shows... kasi ang perception ng mga lalaki ngayon is F... F-boys, mga ganoon! Ha! Ha! Ha! Ha!” natawang lahad ni Albie.

Continue reading below ↓

F-boy ba siya?

“Ako?! Dehins! Pero sa generation natin ngayon, parang ganoon, e.

"And he really breaks the mold. Parang he’s a hopeless romantic, alam mo yun. “

I think, he was born in the wrong decade. Parang ganoon.”

Sa tingin ni Albie, hindi siya napag-iwanan nina Jerome at Tony sa nasabing movie.

“Very different iyong mga role namin sa isa’t isa. So, hindi naman kami nag-aagawan, alam mo yun, sa emotions and sa scenes.

“Hindi kami nag-aagawan, kasi iba talaga iyong pinanggagalingan ng mga karakter namin.”

Sa Setyembre 27, Biyernes, magtatapos ang Los Bastardos.

May isa pang natapos na movie si Albie, ang Isa Pang Bahaghari kung saan gumanap siya na batang Phillip Salvador.

NOEL FERRER

Timing naman ang paglabas ng balita ukol sa sex video ni Jerome Ponce sa paglabas ng pelikula.

Sana lang, makatulong ito sa pag-push pa sa pelikula.

Well, marami nang dumaan sa ganyan... sana ma-handle ito nang maayos.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerome Ponce on rumored photo scandal: “Iniisip ko, hawak ko ba ang phone ko habang nasa CR ako? Parang wala. So, confident ako. Alam ko sa sarili na hindi ako maganun. Sure na sure ako."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results