Lani Mercado, naaawa kay Maine Mendoza dahil sa paglalagare nito sa dalawang pelikula

by PEP Troika
Sep 25, 2019
Si Mayor Lani Mercado (kaliwa) ang gaganap na ina ni Maine Mendoza sa MMFF 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity.
PHOTO/S: Jerry Olea / PEP.ph

JERRY OLEA

Kinumusta namin kay Bacoor City Mayor Lani Mercado ang shooting niya with Maine Mendoza sa MMFF 2019 movie na Mission Unstapabol: The Don Identity.

“Saglit na saglit lang, isang sequence. Pero ano naman, nagpa-picture ako dahil fan ako!” bulalas ni Mayor Lani nang makatsikahan namin sa unang gabi ng lamay ni katotong Isah Red nitong Setyembre 22, Linggo, sa Sta. Rita de Cascia Parish Church, Philam Homes, Quezon City.

Naaawa si Mayor Lani kay Maine dahil lumalagare ito sa shooting ng movie with Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings.

Underwater daw ang eksena ni Maine, habang ulan nang ulan.

Kumustang katrabaho si Maine?

“Professional naman yung bata. Mabait, professional.

"I hope to do more scenes with her,” matamang sambit ni Mayor Lani.

“May mga flashback kasi, na ang kaeksena ko, iyong batang Maine.

"The other day iyong scene namin na siya na... siya na ang kaeksena ko."

Continue reading below ↓

Mag-ina ang papel nina Lani at Maine sa nasabing movie na pinagbibidahan din ni Vic Sotto.

Natatawang kuwento ni Mayor Lani, “Sabi ni Bong sa akin, ‘So, nanay ka ni Maine.

"E, ako, magiging leading man ni Maine. So, nanay na rin kita!’

“Ay! Ano ba yun? Ha! Ha! Ha! Ha!

"Sabi ko, ‘Ininsulto mo pa ako!’ Hindi! Joke lang yun. Joke lang!

“Binabalak pa lang yun, e, nagpapatawa si Senator.

“Parang si Marian [Rivera], di ba? Naging leading lady ni Bong si Marian sa Panday. Naging nanay ako ni Marian sa Amaya.

“Kaya ang biro ni Bong, ‘So, ngayon, puwede na kitang maging nanay?’ ‘Batuhin kaya kita?!’ Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER

I remember Lani Mercado sa pelikulang My Other Woman (1990) at napakagaling niya roon.

Sana, sa kabila ng mga responsibilidad niya bilang public servant ay makagawa pa siya ng magagandang pelikula.

In fairness, marami pa siyang husay na ilalabas—dahil na rin sa dami at lalim ng hugot niya!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Si Maine nga ang isa sa gustong makatrabaho ni Senator Bong.

Pero sabi ng manager niyang si Manay Lolit Solis, next year pa magbabalik-pelikula ang actor-politician.

Ngayon pa lang, may mga nagpi-pitch na sa kanya ng material na puwede niyang isapelikula.

At isa sa nagkainteres siyang gawin ay magagamit ang pinasikat niya uling butos dance na naisip nilang Budots Man ang title.

Tiyak na may masasabi na naman daw ang bashers niya, pero ayaw na raw niyang paapekto.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mayor Lani Mercado (kaliwa) ang gaganap na ina ni Maine Mendoza sa MMFF 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity.
PHOTO/S: Jerry Olea / PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results