Carlo Aquino at Maine Mendoza, halimaw ang chemistry sa Isa Pa With Feelings

by PEP Troika
Sep 25, 2019
Trailer pa lang ng pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings, umaalingasaw na sa kilig. Paano kaya kung buong pelikula na?
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Halimaw ang chemistry nina Carlo Aquino at Maine Mendoza sa scene drop HD (1 minute, 15 seconds) ng pelikula nilang Isa Pa With Feelings, na pinabangis ng “manyak” sa sign language.

At lalong pinabagsik ng kantang "Buwan" ni JK Labajo.

Kaibig-ibig ang kanilang kulitan, at sa kanilang titigan ay kikiligin ka na lang.

Within one day ay naka-88K views na iyon sa YouTube. May mga nag-dislike, pero tabon na tabon iyon ng mga nag-like.

Kapana-panabik ang CarMaine (for some, CarMa) movie na magso-showing sa Oktubre 16.

Samantala, Kim-Kim ang salpukan ngayon sa takilya.

Ngayong Setyembre 25, Miyerkules, ang opening day ng #Jowable tampok ang magjowang Kim Molina at Jerald Napoles, kasabay ang Kiko en Lala kung saan leading lady ni Super Tekla si Kim Domingo, at may special participation si Ai-Ai delas Alas.

Today rin ang opening ng crime drama nina Constance Wu & Jennifer Lopez na Hustlers, ng horror movie na Haunt, at ng drama ni Ansel Elgort na The Goldfinch.

Continue reading below ↓

Semplang sa takilya ng North America itong The Goldfinch, at inalipusta ito ng mga kritiko.

NOEL FERRER

Kinakabahan ako sa magiging resulta sa takilya ng dalawang pelikulang Pilipinong magbubukas ngayon— launching films ng mga alternatibong bida tulad nina Kim Molina at Super Tekla na, sana, hindi hinog sa pilit.

Isama pa riyan ang GMA-7 stars na sina Kim Domingo at Derrick Monasterio na pawang TV stars na naghahangad magkaroon ng movie-star status.

Abangan kung pasado o malasado ang attempts na ito!

GORGY RULA

Nasa premiere night ako ng Kiko en Lala sa SM Megamall kagabi, September 24. Tawa naman nang tawa ang mga nanoood.

May ilang eksenang natawa talaga ako na, feeling ko, ideya ni Super Tekla.

Aniya, “Sabi ko nga, nagsi-share kami ng ideas ni Direk Adolf Alix, at mabuti, sinusuportahan naman niya.”

Dagdag niyang pahayag, “Pagkatapos ko mapanood ang movie, 'tapos naririnig ko yung natawa ang mga nanonood, parang medyo nawala na ang kaba.

Continue reading below ↓

“Sana, maganda ang resulta. Medyo kampante na ako, e.”

Wala pa akong ideya kung anong klase ng pagpapatawa ang #Jowable.

Pero sana, parehong tangkilikin dahil mukhang kakaibang comedy itong dalawang pelikula, na hindi yung tipo ng pagpapatawa sa mga pelikula nina Vice Ganda at Paolo Ballesteros.

Ang isa pang gusto kong abangan talaga ay ang Isa Pa With Feelings na napapatili ako sa kilig.

Ang Hello, Love, Goodbye, wala pa gaanong kilig ang trailer para sa akin.

Pero itong kina Maine at Carlo, umaalingasaw sa kilig.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trailer pa lang ng pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings, umaalingasaw na sa kilig. Paano kaya kung buong pelikula na?
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results