Rival fastfood chains na ini-endorse nina Sharon at Regine, parehong sponsors sa Iconic concert

by PEP Troika
Sep 25, 2019
Magkalaban ang mga iniendorsong fastfood chains nina Sharon Cuneta (kaliwa) at Regine Velasquez, pero nagsanib-puwersa ang mga ito para sa Iconic concert ng Megastar at Asia's Songbird.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Sharonian si Regine Velasquez. Reginian si Sharon Cuneta.

Magsasanib sila sa Iconic concert sa Oktubre 18 at 19 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Bibirit si Regine ng awit ni Megastar. Kakanta si Sharon ng hit song ng Asia’s Songbird.

Panay-panay ang kanilang duets at medleys.

Parehong sponsor sa Iconic concert ang McDonald’s at Jollibee. First time ba itong nangyari sa isang konsiyerto?

Biro ni Ate Shawie, magko-costume siya na naka-Mrs. McDonald, samantalang si Ate Reg ay mala-bubuyog ang costume.

Minor sponsor din ng concert ang Katinko. If ever, si Ogie Alcasid ang magko-costume bilang Katinko Man.

Paborito ni Regine sa Sharon movies ang Bukas, Luluhod Ang Mga Tala (1984).

Pumila siya sa sinehan sa Meycauayan, Bulacan para mapanood ito.

Kakantahin kaya ni Regine ang theme song nito na Pangarap na Bituin?

NOEL FERRER

Balitang iconic songs lang talaga ang kakantahin ng dalawa.

At sa pagiging Sharonian ni Regine, OK sa kanyang i-reenact ang mga classic and iconic lines ni Mega sa pelikula.

Continue reading below ↓

Isa pang magandang i-explore sana ay ang mga ka-trio nila—si Sharon kasama sina Cherie Gil at Dina Bonnevie (parang Sana’y Wala Nang Wakas) at si Regine naman with Donna Cruz and Mikee Cojuangco (from DoReMi). Good luck kung mabubuo!

And aside from their leading men sa pelikula, pareho rin silang Daddy’s girl—kaya maganda at heartwarming ang bigyang-tribute nila sina Mayor Ambo at Tatay Gerry.

We just love both Sharon and Regine!

I surely wouldn’t miss this... kahit may kasabay na Pinoy Playlist!

JERRY OLEA

Nai-starstruck si Regine kay Sharon, kaya hindi siya makasalita minsan pag kinakausap siya nito.

Akala naman ni Sharon noong una, nagsusungit sa kanya si Regine.

Kilig-kiligan si Regine tuwing tini-text siya ni Sharon.

Kuwento pa ni Regine sa Iconic presscon nitong Setyembre 23, Lunes sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, “Tinext ko nga siya, sabi ko, ‘Pasensiya ka na, ha, kung feeling mo, parang one-sided lang ang friendship natin. Hindi ko talaga kaya.”

Continue reading below ↓

Pag nagti-text si Regine kay Sharon, tinatawag niya minsan itong Mega.

“Bakit nakiki-Mega ka?” text back naman ni Shawie.

“E, kung tawagin kitang Songbird? Bakit, di ba?”

Galing si Sharon sa It’s Showtime.

Sinabihan ni Mega si Vice Ganda, “Nainggit ako sa inyo, The Songbird and The Songhorse. Sabi ko, kami, ‘Iconic’ na lang, kasi ang pangit naman ng Megabird!”

E, si Ogie, tinatawag na Big Bird, di ba?

Inamin nina Sharon at Regine na matagal bago na-finalize ang title ng kanilang concert.

Sey ni Mega, “Parang mayabang naman pagka ano... e, pero... 'tapos merong nakiki-icon. ‘E, totoo naman! Ganyan-ganyan!’ ‘Pero kahit na, para naman tayong nag-a-announce...’ ‘Hindi! Ganyan-ganyan!’”

Singit ni Regine, “Muntik nang maging ‘Haller’!”

GORGY RULA

Dahil sa pagiging Sharonian ni Regine, siya na mismo ang nagtanong kung kailan magmu-movie sina Sharon at Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Hindi naman masagot iyan ngayon ni Sharon.

Pero hanggang ngayon ay fan pa rin daw si Regine ng Sharon-Gabby love team, kaya sinusubaybayan niya ito kung matutuloy ba o hindi.

Kaya sa kanilang Iconic concert, isisiwalat daw ni Regine kung paano siya naging fan kasama ang mga kapatid niya.

Biro ni Regine, with matching sampaguita pa raw na isasabit niya kay Sharon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkalaban ang mga iniendorsong fastfood chains nina Sharon Cuneta (kaliwa) at Regine Velasquez, pero nagsanib-puwersa ang mga ito para sa Iconic concert ng Megastar at Asia's Songbird.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results