Maris Racal, gaganap bilang Zephanie Dimaranan; Max Collins at Ashley Ortega, "nabiktima" ng kulto

by PEP Troika
Sep 25, 2019
Tapatan nina Maris Racal (kaliwa, with Zephanie Dimaranan) para sa MMK at nina Max Collins at Ashley Ortega (kanan) para sa Magpakailanman, sino kaya ang magwagi sa TV ratings?
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

“Mag-ingat sa pananampalataya. Hindi lahat ng pinaniniwalaan ay tama.”

Magkapatid na kapwa biktima ng kulto ang kuwento ng Magpakailanman sa Setyembre 28, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Tampok dito sina Max Collins, Ashley Ortega, at Ervic Vijandre.

Mapapanood naman ang life story ni Zephanie Dimaranan sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Si Maris Racal ang gaganap sa life story ni Zephanie, na grand winner sa Idol Philippines.

"Napakahusay ni Maris, lalo na pag mabibigat at iyakan na eksena," sabi ng episode director na si Eduardo Roy Jr. nang maka-chat namin nitong Setyembre 25, Miyerkules, via Facebook Messenger.

"Hindi siya nagrereklamo kahit mag-take two for tighter shot ang iyakan scene. Game pa rin siya.

"Nagampanan niya nang buong husay ang papel nya bilang Zephanie."

TRIVIA! Unang na-meet ni Direk Edong si Maris nang ikinunsidera niya ang young actress sa papel na Jane sa indie film na Pamilya Ordinaryo (2016).

Continue reading below ↓

Kaya sa MMK taping, inusisa ni Direk Edong si Maris kung saan sila unang nagkakilala.

"Hindi na niya natandaan. Ha! Ha! Ha!" lahad pa ni Direk Edong.

"Sa last taping day ay sinurprise ng buong MMK staff si Maris dahil birthday niya noong nakaraang linggo."

NOEL FERRER

Last week pala, malaki ang lamang ng MMK ni Barbie Imperial with my talent na si Jomari Angeles na itinutukso kay Barbie.

Kamukha kasi ni Jomari ang na-link kay Barbie na si JM de Guzman.

Kinakitaan sina Barbie at Jomari ng chemistry at kakaibang husay kaya magandang abangan ang next moves nila.

For this week, si Maris Racal naman ang magpapakitang-gilas sa story ni Zephanie.

Nakakatuwa na binibigyang-pugay ng MMK ang kanilang stable ng mga direktor na pini-feature. Kasinghalaga ng mga aktor ang mga direktor nila.

This week, it’s Direk Edong Roy, na Cinemalaya 2019 Best Director for F#*@bois, at siya ring nagdirek ng Lola Igna na best picture sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Continue reading below ↓

Sa Magpakailanman, sino kaya? Good luck sa Saturday prime-time shows na ito!

GORGY RULA

Sa AGB NUTAM nga, ang taas ng Maalaala Mo Kaya noong nakaraang Sabado.

Nakakuha ito ng 14.9%, habang 8.5% lamang ang Magpakailanman.

Pero mataas ang ilang programa ng Kapuso network gaya ng 24 Oras Weekend na may 6.1%, at 5.8% ang Kuha Mo.

Naka-8.5% ang Pepito Manaloto versus TV Patrol na 7.1%.

Pero panalo ang Home Sweetie Home at The Voice Kids ng ABS-CBN 2.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tapatan nina Maris Racal (kaliwa, with Zephanie Dimaranan) para sa MMK at nina Max Collins at Ashley Ortega (kanan) para sa Magpakailanman, sino kaya ang magwagi sa TV ratings?
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results