Senator Bong Revilla, idedemanda ang sinumang magsabing may pera siyang dapat isoli

by PEP Troika
Sep 26, 2019
Naging mas espesyal ang 53rd birthday celebration ni Senator Bong Revilla nang alayan siya ng kanta ng misis niyang si Mayor Lani Mercado. Ang kinanta ni Lani ay original composition ng kaibigan nilang si Tirso Cruz III.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Napaluha si Senator Bong Revilla nang inalayan siya ng kanta ng misis niyang si Mayor Lani Mercado-Revilla sa kanyang 53rd birthday party nitong September 25, Miyerkules, sa Hotel Sofitel.

Original song na komposisyon ni Tirso Cruz III ang kinanta ni Mayor Lani at sobrang na-touch ang senador.

First birthday celebration kasi ito ni Senator Bong pagkatapos niyang lumabas ng Camp Crame, kaya sobrang laki ng pasasalamat ng senador sa suportang ibinigay ng buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Ilan sa namataan naming dumalo sa birthday celebration ni Senator Bong na mga taga-showbiz ay sina Mother Lily Monteverde, mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Edgar Mortiz, at Roi Vinzon.

Ilan sa mga pulitikong maagang dumating ay sina Senador Cynthia Villar at Senador Bato dela Rosa.

Maraming ipinagpapasalamat si Senator Bong dahil naramdaman niyang hindi siya pinabayaan ng Diyos.

Wala na raw siyang mahihiling pa kundi magpasalamat na lang at ang birthday wish niya ay para na lang sa taumbayan.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Maligayang kaarawan kay Senator Bomg Revilla, na talaga namang tutok sa paggawa ng mga batas na makatutulong sa nakararami nating kababayan.

Again, your best weapon against controversies is good work.

Kaya naman ituloy lang ang magandang ginagawa ngayon, kasabay ng presence sa ating industriya.

At oo, hihintayin din natin ang kanyang pagbabalik-pelikula.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

LaBong forever! Sinorpresa ni Bacoor City Mayor Lani Mercado si Senador Bong Revilla.

Kahit anong pangungulit ni Senador Bong, napanatili ni Mayor Lani ang paandar niya para sa pinakamamahal na asawa.

Espesyal ang birthday celebration na ito para sa kanilang pamilya—ang pagdiriwang ni Senador Bong matapos ang ilang taong pagkakulong sa detention center sa Camp Crame.

Di ba, Manay Lolit Solis?

GORGY RULA

Hindi na rin nagpapaaepekto si Senator Bong sa patuloy pa ring namba-bash sa kanya, dahil kaya na raw niya itong deadmahin.

Ipinagkibit-balikat lang daw niya ang halos araw-araw na bashing na natatanggap niya.

Pero ngayon ay hindi na raw siya magpapabaya, lalo na sa nagsasabing dapat isoli niya ang pera ng taumbayan.

Korte na raw mismo ang nagsabing wala siyang isosoling pera.

Kaya yung mga nagsulat o naglabas ng mga kuwentong dapat ay may isosoli siyang pera, hindi na raw niya ito basta ipagwawalang-bahala.

Kikilos na raw siya at magdedemanda sa kung sino man ang magsalita o maglabas ng ganoong kuwento laban sa kanya.

Continue reading below ↓

“Sobra na, e!” pakli niya.

“Kaya ngayon, nagpadesisyunan na namin, kahit sino pa ang magsulat ulit o maglabas na sinasabi na isoli ko yung pera, we will file a case against doon sa gumawa.

“Sobra na ang panlilinlang, e. Hindi na tama, e.

“Lagi kasi nilang sinasabi sa akin na ibalik ko iyung pera.

“Anong pera ang ibabalik ko?

“Naabsuwelto na ako. Korte na yung nagdesisyon, e.

“Ang hiling ko lang, sana, kung anuman po yung naging desisyon ng korte, irespeto po natin yun,” sabi pa ni Senator Bong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging mas espesyal ang 53rd birthday celebration ni Senator Bong Revilla nang alayan siya ng kanta ng misis niyang si Mayor Lani Mercado. Ang kinanta ni Lani ay original composition ng kaibigan nilang si Tirso Cruz III.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results