Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kyline Alcantara, itinangging nakaranas ng pambu-bully mula kay Bianca Umali

by PEP Troika
Sep 26, 2019
Kyline Alcantara on online bashing: "...hindi na ako naapektuhan. Kasi, I know myself and mahal ko yung sarili ko. Right now, it made me stronger as a person and as artista, lahat na pamba-bash sa akin."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

"Millennial fairytale" daw ang Black Lipstick na launching movie ni Kyline Alcantara.

Tumatalakay ito sa bullying ng millennials, kaya sobrang relate si Kyline.

Bata pa lang daw siya at noong nagsisimula pa lang siyang rumaraket-raket sa commercials at modelling, nakakaranas na raw siya ng pambu-bully.

Hindi lang sa mga kaedad niya kundi pati raw sa ilang nanay ng mga kasabayan niya sa go-see o auditions.

“Sinasabi po nila na, 'Broken family ka naman… hindi ka magandang example para sa mga kabataan.'

“Ang dami pong gumaganun sa akin,” kuwento ni Kyline sa mediacon ng Black Lipstick nitong September 24, Martes, sa Max’s Sct. Tuason St., Quezon City.

Mahigit 10 years silang iniwan ng ama niya kaya nagagalit siya noon. Hindi raw niya mapatawad noon ang kanyang ama.

“Noon po kasi, hindi ko naintindihan at… mabilis akong naapektuhan dahil totoo po naman na broken family ako.

"And back then, hindi ko pa po accepted.

Continue reading below ↓

“But right now, pag bina-bash po ako at pag binu-bully po ako online, hindi na ako naapektuhan.

"Kasi, I know myself and mahal ko yung sarili ko.

“Right now, it made me stronger as a person and as artista, lahat na pamba-bash sa akin.

"Kasi, alam ko naman kung ano yung hindi ko nagawa at nagawa ko dun sa mga bina-bash sa akin,” sabi pa ni Kyline.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bago mag-Kambal Karibal, nakipagbalikan na raw ang kanyang ama sa kanyang ina dahil nakikita na raw si Kyline sa TV noon at nababanggit niya sa ilang interviews ang tungkol sa kanilang kalagayan.

Ngayon ay buo na raw ang pamilya at masaya na sila.

Pero nakakaranas pa rin ng pambu-bully si Kyline mula sa bashers.

Hindi niya makalimutan nang nakaranas siya ng pambabastos sa isang mall show sa Iloilo, mula sa isang maliit na grupo ng fans.

“Nasaktan po ako dahil nabastos po ako nang sobra roon.

Continue reading below ↓

"But, I’m happy na nangyari po sa akin yun, kasi leasson learned and it made me stronger, e.

“Nakilala ko yung sarili ko, at minahal ko yung sarili ko, at alam ko naman po yung nagawa at hindi ko nagawa dun sa mga sinasabi nila.

"Kumbaga, deadma na lang po,” pahayag ni Kyline.

Nilinaw niyang wala siyang naranasang pambu-bully kay Bianca Umali noong nagkaroon sila ng isyu pagkatapos ng Kambal Karibal.

“May mga iba po kasi talaga na kapag nasasabihan mo ng kuwento ay naniniwala agad,” pakli niya.

“We’re both happy in our careers, and alam naman po namin yung katotohanan, e, and positive lang talaga kami lahat.

“Ang dami pong nakikita kami na alam nila yung isyu. Pinapakita namin sa kanila na wala yun sa amin,” sabi pa ni Kyline.

Sa October 9 na ang showing ng Black Lipstick, at kapag libre ang schedule ni Bianca, iimbitahin daw niya ito sa premiere night.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Relatively bata pa lang si Kyline Alcantara, at base sa mga sinasabi niya sa interview, aral na aral na siya talaga sa showbiz.

Pati si Bianca ay nagagamit pa rin sa publicity niya.

Oh well, good luck sa pelikulang ito ni Kyline na Black Lipstick.

Sana, hindi nito sapitin ang nangyari sa launching movie ng Kapuso stars like Barbie Forteza and Derrick Monasterio, or Barbie Forteza and Ken Chan, or Sanya Lopez and Derrick Monasterio, o itong Super Tekla, Kim Domingo, and Derrick Monasterio movie.

Ang masasabi ko lang, there are TV stars and there are movie stars.

Hintayin na lang natin ang verdict ng Pinoy audience. Good luck!

JERRY OLEA

Sana, mai-promote nang husto ang millennial version ng Blusang Itim (1986) na blockbuster movie ni Snooky Serna, katambal si Richard Gomez.

Nawa’y maging kaakit-akit sa moviegoers ang love triangle nina Kyline, Manolo Pedrosa, at Migo Adecer sa Black Lipstick.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on online bashing: "...hindi na ako naapektuhan. Kasi, I know myself and mahal ko yung sarili ko. Right now, it made me stronger as a person and as artista, lahat na pamba-bash sa akin."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results