Ejay Falcon, reservist na ng Philippine Air Force

by PEP Troika
Sep 26, 2019
Ejay Falcon on Filipino soldiers: "Iba talaga ang disiplina nila pag nasa trabaho. Pag nandun ako, hindi naman OA, pero nakikita mo yung pagmamahal nila sa bayan."
PHOTO/S: Noel Orsal / Ejay Falcon

GORGY RULA

Isa na rin palang reservist sa Philippine Air Force ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon.

Naikuwento ito sa amin nang nakatsikahan namin sa PPL office nitong September 25, Miyerkules.

Kung naaalala ninyo, may ginawa sina Ejay at Coco Martin na kuwento ng Special Action Force (SAF) sa Maalaala Mo Kaya.

Dalawang araw silang nag-training ni Coco kasama ang mga miyembro ng SAF, at doon na-realize ni Ejay na gusto rin niyang maging sundalo.

“Pagkatapos ng MMK namin, parang nagkaroon ako ng sepanx sa mga kasama ko, kasi, nakakuwentuhan ko sila.

“Sabi ko, ang sarap pala maging sundalo. Hindi ko alam kung naka-relate ako sa buhay nila nung time na yun,” bulalas ni Ejay.

Continue reading below ↓

Ipinost niya yun sa Instagram at pagkalipas ng ilang linggo, mayroon daw grupong nag-alok sa kanya kung gusto nitong mag-training sa Air Force.

Inayos ni Ejay ang kanyang schedule, at nagawa niya, kaya dumaan siya sa 30-day training.

Kamakailan lang ay nag-graduate ang aktor at proud siyang tawaging Sgt. Ejay Falcon.

Gustung-gusto ni Ejay ang training na pinagdaanan niya kahit mahirap.

“Iba kasi ang disiplina nila. Saka very dedicated sila sa trabaho, yung pagmamahal nila sa bayan.

“Iba talaga ang disiplina nila pag nasa trabaho.

“Pag nandun ako, hindi naman OA, pero nakikita mo yung pagmamahal nila sa bayan,” dagdag na kuwento ni Ejay.

Kaya nagagamit niya rin itong training niya sa bagong teleserye niyang Sandugo na magsisimula na sa September 30.

Ang dami niyang action scenes dito.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Mapapalaban si Ejay kay Aljur Abrenica sa aktingan at dramahan ng Sandugo.

Advantage ni Ejay na isa siyang sundalo sa tunay na buhay.

Mas astig ang kanyang dating, di ba, Benjie Alipio?

NOEL FERRER

Sino kaya ang makakaungos kina Ejay at Aljur sa aktingan sa Sandugo?

Magandang abangan iyan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon on Filipino soldiers: "Iba talaga ang disiplina nila pag nasa trabaho. Pag nandun ako, hindi naman OA, pero nakikita mo yung pagmamahal nila sa bayan."
PHOTO/S: Noel Orsal / Ejay Falcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results