Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ronaldo Valdez, happy sa ABS-CBN; anak niyang si Janno Gibbs banned nga ba sa Dos?

by PEP Troika
Sep 27, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Magtatapos ang Precious Hearts Romances Series na Los Bastardos ngayong Setyembre 27, Biyernes. Naka-50 weeks ito sa ere.

Wala pang next TV show si Ronaldo Valdez, ang gumanap bilang Don Roman Cardinal, ama ng Cardinal bastards.

"Pahinga muna. Relax muna," nakangiting sambit ng beteranong aktor nang mainterbyu namin sa thanksgiving presscon ng Los Bastardos noong Setyembre 18, Miyerkules, sa 9501 restaurant, ELJCC building, ABS-CBN compound, Quezon City.

"Bakasyon muna hanggang sa pagdating ng susunod na trabaho."

Masaya si Ronaldo sa pagiging Kapamilya, bagama’t wala siyang kontrata rito. Freelancer siya.

"Lahat ng magagandang ginawa ko na show, mapa-TV show, mapa-pelikula, dito! Kaya masasabi kong napakasuwerte ko," bulalas ng premyadong aktor.

Habang halos isang taon na napanood si Ronaldo sa TV, ang anak niyang si Janno Gibbs ay naghimutok at hindi napanood sa Kapamilya Network—maski sa promo ng Viva movie nitong Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

"E, ganoon talaga... Siguro, iyon ang kanyang kapalaran. Ganoon talaga.

Continue reading below ↓

"E, alam mo naman itong trabahong ito, suwerte-suwerte rin talaga ito, e," malumanay na lahad ni Ronaldo.

"May mga sinusuwerte. Merong mga hindi gaano. Ganoon, e."

Sabi-sabi, banned daw muna si Janno sa Dos?

Balik-tanong ni Ronaldo, "E, paano? Anong gagawin natin?

"Siguro, meron silang... Ahhh... Meron silang... kanilang mga pangyayari na ganoon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ganoon talaga, ganoon talaga ang buhay!"

NOEL FERRER

Ibang klase ang enduring power ni Tito Ronaldo Valdez, na sana, namana ni Janno Gibbs.

I’m sure, sa husay ni Tito Ronaldo sa pagganap at napaka-cool daw niyang katrabaho, sabi ng staff, hindi malayong masundan agad ang Los Bastardos.

GORGY RULA

Dapat talagang magbakasyon muna si Ronaldo Valdez para sa kanyang kalusugan. Mahirap na, di ba?

Pero tiyak na hindi magtatagal, puputaktihin siya ng offers mula sa dalawang malaking TV network.

Kailangan talaga ng mga magagaling na veteran stars dahil iilan na lang sila.

Napapag-usapan noong pagpanaw ni Eddie Garcia, na si Ronaldo ang tiyak na aalukin ng roles na dapat kay Manoy Eddie.

Continue reading below ↓

Sana, maging active ang iba pang senior actors dahil sa dami ng mga drama series na ginagawa, tiyak na kakailanganin sila.

Isa sa naalala kong dapat na mabigyan ng magagandang projects ay si Robert Arevalo na napakagaling din.

Sana, okey pa siya at kaya pa ng katawan niya para humataw sa mga teleserye.

JERRY OLEA

Na-miss pa ba nila si Diego Loyzaga?

"Oo, siyempre. Kasi nakasama namin siya nang matagal-tagal din," mabilis na tugon ni Ronaldo.

"At kuwan din, may panghihinayang. Sayang dahil maganda na sana ang takbo niya, e. Sayang.

"Pero iyon na nga. Katulad ng sinasabi ko, ganoon talaga ang buhay siguro."

Affected pa ba siya kapag ang mas batang mga artista ay nagkakagulo, halimbawa’y iyong isyu ng duraan kina Maxine Medina at Kylie Versoza.

"Ahh, hindi naman. E, ganoon talaga.

"Siyempre, ang tao, e hindi maiwasan, nagkakaroon minsan ng hindi pagkakaintindihan. Parte ng buhay, e."

Napag-ingatan ba siya sa Los Bastardos, considering ang nangyari kay Eddie Garcia?

Continue reading below ↓

"Ay, oo! Oo!" maigting na bulalas ng 76-anyos na aktor.

"Lalo na noong pagkatapos ng insidenteng iyon kay Eddie, aba’y kuwan, konting lakad ko, e, inaalalayan ako."

May cut-off si Ronaldo na 12:00 midnight sa taping.

Patuloy niya, "Pero siyempre, may mga pagkakataon na, 'Tito, isa na lang ang eksena, o dalawa.' So, okey lang."

Kaya naman niya kahit lagpas sa cut-off? Nahihirapan ba siya?

"Hindi naman. Kasi, sa kuwan ko, sa eksperyensa ko, mga ala-una hanggang alas-dos ng madaling-araw, okey pa. Maximum na.

"Pero paglagpas doon, medyo laylay na."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results