Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Joyce Ching at Rodjun Cruz, parehong ikakasal sa December 2019

by PEP Troika
Sep 28, 2019
Kung sa December 8 gaganapin ang kasal ni Joyce Ching (kaliwa) sa non-showbiz fiance niyang si Kevin Alimon, sa December 21 naman magaganap ang kasal ni Rodjun Cruz (kanan) sa actress-TV host na si Dianne Medina.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram / Noel Orsal

GORGY RULA

Nakatsikahan ng PEP Troika ang dalawang cast ng bagong rom-com series ng GMA-7 na One of the Baes na magsisimula na sa GMA Primetime sa September 30.

Ito ay sina Joyce Ching at Rodjun Cruz na parehong may pinaghahandaang wedding sa December.

Si Joyce Ching ay nakatakda nang ikasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon sa December 8.

Garden wedding daw ito na Christian ceremony.

Ilan sa mga taga-GMA 7 na kinuha nilang principal sponsors ay sina Atty. Annette Gozon-Valdez, Joey Abacan, Vic del Rosario ng GMA Artist Center, at si Direk Gina Alajar.

Sa December 21 naman ang church wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na gaganapin sa Manila Cathedral.

Hindi lang naibigay sa amin ni Rodjun ang buong entourage, pero ilan daw sa mga tatayong groomsmen niya ay sina Alden Richards, Kristofer Martin, at Marco Alcaraz.

Ang dalawang kapatid niyang sina Rayver at Omar ang kanyang bestmen.

Continue reading below ↓

Nasabi raw ni Joyce kay Rodjun sa mediacon ng One of the Baes na mabuti na lang, kasama sila sa bagong teleseryeng ito nina Ken Chan at Rita Daniela, at least dagdag-ipon ito sa pinaghahandaan nilang kasal.

Sabi pa ni Joyce, kahit magiging Mrs. Alimon na siya, tuloy pa rin siya sa pag-aartista. Napag-usapan na raw nila ito ni Kevin.

“Kaka-sign ko lang po ng contract with the network. So, tuluy-tuloy lang po ang work,” pakli ng Kapuso actress.

Sabi naman ni Rodjun tungkol sa wedding nila ni Dianne, “Sobrang excited ako sa araw na yun.

"Siyempre, ang tagal na rin namin ni Dianne at nandun po ang mga taong importante sa amin."

Sayang lang dahil wala na ang kanyang ina na gustung-gustong makasal na sila ni Dianne.

“Looking forward talaga si Mama dun sa wedding namin ni Dianne.

“Pero alam ko na proud siya,” saad ni Rodjun.

Samantala, nabalitaan din ng PEP Troika na nagpapadala na raw si Angel Locsin ng ‘Save the Date’ sa wedding nila ni Neil Arce.

Continue reading below ↓

Pero hindi pa raw nakasaad kung saan at ang ilan pang detalye ng kasal.

JERRY OLEA

May haka-hakang huling teleserye na ni Angel itong The General’s Daughter dahil ikakasal na ito kay Neil.

OK lang iyon. Sina Piolo Pascual at Jericho Rosales ay graduate na rin sa teleserye, pero tuloy pa rin ang showbiz career.

More & more ang kasalan!

Sa Disyembre rin ang kasal nina Jolo Revilla at Angelica Alita sa Amerika. Magwa-White Christmas sila sa honeymoon?!

December din ang kasal ni Valerie Concepcion with Guam-based fiance Francis Sunga.

NOEL FERRER

Grabe yung reaksiyon ng ibang tao sa magiging asawa ni Rodjun na si Dianne Medina.

Sa pagsawsaw raw nito sa “duraan” issue nina Kylie Verzosa at Maxine Medina (na pinsan niya), ang sabi, “Kahit anong gawin, starlet ka pa rin Dianne!”

Si Dianne na best friend ng "favorite" ni Nanay Lolit Solis na si Alex Gonzaga—starlet kung starlet na, pero grabeng bongga ang naririnig kong puwedeng dumating sa kasal nila ni Rodjun.

Continue reading below ↓

No less than the President of the Philippines na si Tatay Digong nila! Sino ngayon ang starlet?

Video: Noel Orsal.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung sa December 8 gaganapin ang kasal ni Joyce Ching (kaliwa) sa non-showbiz fiance niyang si Kevin Alimon, sa December 21 naman magaganap ang kasal ni Rodjun Cruz (kanan) sa actress-TV host na si Dianne Medina.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results