JERRY OLEA
11:00 AM pa lang ngayong Setyembre 28, Sabado ay open na ang gates ng Filinvest City Events Ground (Alabang, Muntinlupa City) para sa HUEniverse music festival. 12:00 NN-2:00 PM ang pre-event, at 2:00-3:00 PM ang unang set tampok si Katsy Lee.
Puwedeng manood muna ng grand finals ng “Tawag ng Tanghalan (Season 3)” sa It’s Showtime! Sino kaya kina Elaine Duran, Kim Nemenzo, John Michael de la Cerna, John Mark Saga, Shaina Mae Allaga at Jonas Oñate ang tatanghaling grand champion?
At any rate, makakabili pa ang earthlings ng tickets (PHP399 at PHPP999) sa gates ng HUEniverse.
SULIT ang tiket sa artists na naka-line up sa musicfest: Chiquerella (3:00-3:30 PM), Written by the Stars (3:30-4:00 PM), Bita and the Botflies (4:00-5:00 PM), DJ Jennifer Lee (5:00-6:00 PM), Mark Oblea (6:00-6:30 PM), Claudia Barretto (6:30-7:00 PM); The Ransom Collective (7:00-8:00 PM), Autotelic (8:00-9:00 PM), Agsunta (9:00-10:00 PM), Moira (10:00-11:00 PM), Allmo$t (11:00 PM-12:00 MN), Tom Taus (12:00 MN-1:00 AM), Borgeous (1:00-2:30 AM) at Ron Poe (2:30-3:30 AM).
Ine-encourage ang manonood na ang kulay ng damit ay naaayon sa kani-kanyang status: Red (in love or taken). Yellow (taken for granted). Pink (aral muna). Orange (walang label). Green (almost there). Blue (friendzoned). Purple (moving on). White (ready to mingle).
Clean fun ang hatid ng HUEniverse music fest. BAWAL ang illegal drugs.
Ang musicfest na ito ay mino-monitor ng PNP at PDEA. Bawal din ang vape, inhaler, outside food or drink, laser pens/pointers, tasers, pepper spray, weapons, flammable items, selfie sticks, action & professional cameras, drones (exclusive for sponsors) umbrellas, tents, blankets, sleeping bags, pets, sharp objects, among others.
Ang bag na dala ay hindi dapat lalampas sa 8” x 8” ang sukat. Ang PWD (Person/s With Disability) ay dapat may companion na meron ding tiket. May specific area para sa mga PWD.
GORGY RULA
Pagkatapos ng ganitong concert, abangan naman natin sa October 11 ang pagsisimula ng Pinoy Playlist musicfest 2019.
Maganda ang ganito. Kasi, sunud-sunod pa rin ang pagtuklas ng mga magagaling na mang-aawit mula sa “Tawag ng Tanghalan,” at susunod ang The Clash na kasisimula pa lamang.
Samantala, ang napapansin ko sa pangatlong season ng “Tawag ng Tanghalan,” ang daming magagaling na finalists. Sana, tama ang mapili ng mga hurado at taumbayan.
NOEL FERRER
Hanggang September 30, Lunes ang Early Bird Passes (10% discount) ng Pinoy Playlist musicfest 2019 (Oktubre 11, 12, 13, 18, 19 at 20).
Nakaka-excite ang pagsali rito ng iba’t ibang klaseng artists sa ating industriya. Across genres. Across generations. Across networks, too. Represented sa Pinoy Playlist ang mga nanalo sa The Clash at GMA Artists. Meron ding Star Records Artists ng ABS-CBN. Martin Nievera & Louie Ocampo, Joey & Clara Benin, Jay Durias with his Bandurias, The Company & Itchyworms, AMP Big Band with Mitch Valdes -- these are but some of the collabs na aabangan natin.
Habang pina-finalize na ang listahan ng performers, pag-usapan natin ang mga nalagas na performers na originally ay nakapag-commit na. Basta, darating din na matutuloy iyan... sa tamang panahon!