Dingdong Dantes, natupad na ang pangarap tumakbo sa Berlin Marathon

by PEP Troika
Sep 30, 2019
PHOTO/S: Perry Lansigan Facebook

GORGY RULA

Ang Ethiopian Olympic long-distance runner na si Kenenisa Bekele ang nanguna sa 2019 Berlin Marathon.

Mahigit dalawang oras niyang natapos ang buong 42 kilometer-race, at sinundan ito ng Ehtiopan runner ding si Birhanu Legese.

Mahaba ang itinatakbo ng runners at, sabi ni Dingdong Dantes, minsan ay inaabot ito ng apat hanggang limang oras.

Ipinost ni Dingdong nitong Setyembre 29, Linggo, sa Instagram ang kuha niya sa venue ng event sa Berlin.

Nasa caption nito, “Sabi nga ng utol ko, ‘ang tunay na finish line ay nag-aantay sa bahay.’ Korek! I’ll be home soon my loves. This is it! @marianrivera #BerlinLegend #GottaRunInBerlin.”

Kaagad nag-comment si Marian sa post niyang yun ng, “Go Dada! We love you.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Sinubukan kong i-Viber si Dingdong para tanungin sana kung natapos niya ang buong run, pero hindi pa siya nakasagot.

Pero may isa siyang post kahapon kung saan sinabi niyang, “I may not have crossed the finish line yet but I already feel like a winner because I had trained with these awesome and inspiring fellows.”

Kasama niya sa post na yun sina Kim Atienza, Tim Yap, at ilan pang kagrupo niyang tumatakbo.

Continue reading below ↓

Congratulations kay Dingdong na nakasali siya rito dahil matagal na niyang pinangarap makatakbo sa Berlin Marathon.

Natupad niya ito sa tulong ni Kim Atienza na nagyaya sa kanyang sumali at sumama sa kanilang grupo.

NOEL FERRER

After Kim and Dingdong, I’m sure, maraming pang ibang celebs ang isasama ang ganitong pagsali sa mga international marathon or events as part of their bucket lists.

Good luck and congratulations!

JERRY OLEA

Kani-kanyang trip! Yung iba, mas gustong magsanay sa militar. Eto naman, marathon.

Nakaka-inspire ang celebs na nagtutuon ng panahon sa makabuluhang gawain, kesa sa nalululong sa masamang bisyo.

Wish ko lang na sa nalalapit na panahon, maka-gold tayo sa Olympic Games.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Perry Lansigan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results