John Lloyd Cruz, mapapanood muling umarte via Culion

by PEP Troika
Sep 30, 2019
Nagulat ang marami nang lumabas ang trailer ng pelikulang Culion dahil sa pinakahuling frame ay lumabas si John Lloyd Cruz, na kasalukuyang naka-leave mula sa showbiz.
PHOTO/S: Culion Film

NOEL FERRER

Now it can be told!

Ngayong naipalabas na ang teaser ng pelikulang Culion (aspiring entry sa MMFF 2019, sa panulat ni Ricky Lee at sa direksyon ni Alvin Yapan), ang last frame ay ang nagbabalik-acting na si John Lloyd Cruz.

Sana ay simula na ito ng mas marami pang magagandang proyektong nakapila para sa sinasabi nilang pinakamagaling na aktor ng kanyang henerasyon!

GORGY RULA

Sana nga, makabalik na si John Lloyd.

May mga naririnig akong binabalak na project para sa kanya.

Pero totoo bang hindi na raw nagpakita ng interes ang ABS-CBN?

Sa totoo lang, may ilang produkto na interesado pa ring ituloy ang endorsement niya.

Kagaya ni Joel Cruz, na hindi pa rin nila kinansela ang kontrata into nilang brand ambassador ng Aficionado Germany Perfume.

JERRY OLEA

Si Alvin Yapan ang nagdirek ng kontrobersyal na Oro, entry sa MMFF 2016.

Bagamat isang taon lang ang pagkaka-ban ng MMFF ExeComm sa producers at direktor (Alvin Yapan) ng Oro, bakit sa MMFF pa ilalahok ang Culion, e, marami namang ibang filmfests?

Continue reading below ↓

Noon pa natin nabalitaan ang paglabas ni John Lloyd sa pelikulang pinagbibidahan ni Iza Calzado.

Di ba, naibalita pa noon ng katotong Ogie Diaz sa Facebook ang usapan nina Izadora at Lloydie?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang marami nang lumabas ang trailer ng pelikulang Culion dahil sa pinakahuling frame ay lumabas si John Lloyd Cruz, na kasalukuyang naka-leave mula sa showbiz.
PHOTO/S: Culion Film
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results