TV/movie personality na may diva attitude, biglang nagbago nang manganib matigbak ang show

by PEP Troika
Oct 1, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nanganib na namang matigbak ang TV show ng isang kilala at magaling na TV/movie personality.

Fluctuating kasi iyon sa ratings game. OK paminsan-minsan, pero mas madalas na talo.

Kaya kinausap ng management ang TV/movie personality.

In-assure ito na sakaling masibak ang kanyang programa, hindi siya mawawalan ng trabaho. May ibang show na ipapalit, 'ika nga.

Napamahal na sa TV/movie personality ang kanyang show, kaya ayaw niyang mawala ito na parang bula.

Pinayuhan ng TV executives si TV/movie personality na kung gusto nitong magtagal pa ang kanyang programa, huwag na niyang pahirapan ang staff.

Maghinay-hinay siya sa kanyang mga hanash at reklamo. Matutong magtiis at makisama.

May diva attitude kasi ang TV/movie personality.

Parang may topak sa sobrang advance ng pag-iisip. Kung ano ang maisipan, siyang nasusunod.

Hindi inaalintana ang budget sa programa basta masunod ang kanyang kapritso.

Halimbawa, hindi niya type ang puwesto ng tent sa kung anumang kadahilanan. E, ang hirap-hirap magbaklas ng tent, at itayo iyon sa ibang lugar.

Continue reading below ↓

Hindi mapakiusapan ang TV/movie personality na mag-adjust. Hindi siya nauubusan ng dahilan.

Kaya ang pasensiya ng mga staff, nauubos na.

Siyempre, ang diva-divahan na gawi ng TV/movie personality ay nakarating sa kaalaman ng TV executives.

Kaya nang pagsabihan ng TV execs ang ating bida na mag-behave sa staff kung gustong manatili sa ere ang kanyang programa... aba!

Mabilis pa sa alas-kuwatro, bait-baitan itong bigla! May himala!

NOEL FERRER

Mabait sa akin ang aktres na ito, kaya hindI ko alam kung bakit may nasasabing ganito ang ibang tao sa kanya.

In any case, sana ay magtagal pa ang show niya. Kasi, it’s one of a kind.

Mas kailangan natin ngayon na tumawa kaysa umiyak, kaya love love love na lang sana sila ng staff niya para tuluy-tuloy ang ligaya!

GORGY RULA

Hindi matapus-tapos ang kuwento tungkol dito sa TV/movie personality.

Ang ibang staff ay tila nakasanayan na siya kaya tingin ko, maaayos iyan.

Continue reading below ↓

At sana nga, tuloy pa rin ang programa niya dahil maganda naman.

Hirap nga lang siyang umabante sa katapat na programang parang di naman kaseryo-seryoso.

Sabi ng ilang nakatsikahan ko, malaki na ang ipinagbago nitong TV/movie personality.

Ramdam niya sigurong hindi na niya panahon ngayon.

Kung magmaldita man siya, ewan ko kung sasaluhin siya ng ibang network. Kaya kailangan talagang mag-behave.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results