MMFF 2019 Selection Committee, pinaalalahanan ang aspiring entries na huwag magsiraan

by PEP Troika
Oct 2, 2019
Makapasok kaya sa MMFF 2019 ang Culion (kaliwa) at Isa Pang Bahaghari (kanan)? Bida sa Culion sina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis-Smith; at ang Superstar na si Nora Aunor ang lead actress ng Isa Pang Bahaghari.

NOEL FERRER

The MMFF 2019 Selection Committee will decide the final 4 official entries based on the actual merits of the films submitted, and not on the publicity being generated in media now.

We don’t appreciate the mudslinging and the negative publicities being forwarded to us at this point.

The MMFF 2019 ExeComm shall announce the final 4 entries on October 16.

So please, kalma lang.... rest on the merits of the films submitted and on your goodwill for our industry.

So, iyan po ang bago sa MMFF 2019 meeting namin ngayong Oktubre 2, Miyerkules, na importanteng i-note ng industriya—sa Oktubre 16 na ang announcement ng Final 4 full-length entries, pati na ang 8 student film entries din, sa Club Filipino.

At dahil sa last working day ang December 23 na Lunes, gagawing Linggo, December 22, na ang MMFF Parade of Stars sa Taguig City.

Sa tono ng meeting sa MMFF ngayon, exciting ang magaganap na 45th edition ng MMFF kaugnay sa Centennial ng Philippine Cinema.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Dati, ang Parada ng mga Bituin ay ginaganap sa bisperas ng Pasko.

Marami ang natuwa na ginawa iyong Disyembre 23 para hindi pagod na pagod ang mga artista at kalahok sa parada pagsapit ng Disyembre 25.

OK rin lang na gawing Disyembre 22 ang parada ngayong taon. Hindi iyon big deal.

Siyempre, sabik na tayong malaman ang apat pang official entries ng MMFF 2019.

Teka! Final na ba na sa CCP ang gabi ng parangal sa Disyembre 27?

GORGY RULA

Hindi magandang hudyat na naging nega ang dating sa iba ng mga naglalabasang publicities ng ilang pelikula.

Ang aga pa para magkainitan ang mga taong involved.

Pero naiisip ko na rin na kaya nagkakaganyan dahil sa MMFF ka lang talaga nagkakaroon ng pag-asang kumita ang pelikulang isinasali mo.

Mahina pa rin ang mga pelikula nating naipapalabas sa ibang playdate.

Sa MMFF na lang talaga umaasa.

Kaya maganda ring merong Pista ng Pelikulang Pilipino, at nadagdagan na ngayon ng Summer MMFF.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
MMFF 2019, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makapasok kaya sa MMFF 2019 ang Culion (kaliwa) at Isa Pang Bahaghari (kanan)? Bida sa Culion sina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis-Smith; at ang Superstar na si Nora Aunor ang lead actress ng Isa Pang Bahaghari.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results