Aktor, may sariling glam team kahit mahirap ang role sa isang palabas

by PEP Troika
Oct 7, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Magkapatid na sKuala Lumpur (read: squatter) ang papel ng dalawang aktor sa isang palabas.

Kapwa meron silang marubdob na eksena—tagos sa buto, sagad sa kaluluwa.

Labis-labis na pagdurusa at hinagpis ang sinapit ng kani-kanyang karakter.

Pareho silang makisig. Talap-talap ang kanilang batak na katawan.

Kapag naghubad sila, wala kang itulak-kabigin kung sino ang unang uulamin. Siguradong mag-e-extra rice ka.

Kaso, ang papel nga nila sa palabas ay nasadlak sila sa matitinding hamon ng buhay.

Si Aktor #1, hindi nagpa-make up para in character. Umaalingasaw ang kanyang pagiging sKuala.

Kumbaga sa tinapay, may baon siyang putok. Ang husay-husay niya!

Si Aktor #2, mahusay rin sa kanyang shining moment, pero nakaka-distract ang kanyang kapogian.

Mukhang bagong paligo siya at pagkabangu-bango, samantalang sKuala rin ang kanyang ginampanan.

Ayon sa source ng PEP Troika, may sariling glam team na kasama sa set si Aktor #2.

Hindi niya ipinagkatiwala sa hairstylist/make-up artist ng production ang pag-aayos sa kanya. Kaya pala nakakasilaw ang kanyang kakisigan!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nag-evolve na to be an excellent actor ang kapatid na walang make-up sa palabas.

Yung isa naman, nananatiling concious na Pamaskong handog na, marahil, pinangangalagaan ang kanyang pinag-uusapang gawang ilong.

In fairness, kapani-paniwala silang magkadugo.

Good luck sa project nila! Maligayang Pasko!

GORGY RULA

Bakit nga ba may mga ganung artista na ayaw na ayaw talaga nilang magmukhang pangit sa screen?

Kung maganda ka talaga, may make-up ka man o wala, kahit deglamorized ka, maganda ka pa rin.

Ganyan kasi ang naririnig ko rin sa isang napakagandang aktres na kahit luray-luray na siya sa eksena, dapat maganda pa rin siyang tingnan.

Alam na alam niya kung saan ang anggulo niya, at dapat doon nakatutok ang kamera. Kailangan maayos ang kilay at namumula pa rin ang mga labi.

Kaya nga matagal na ‘yang emote ni Tita Fanny Serrano na dapat talagang magpa-seminar siya sa mga make-up artist, pati sa mga artista na rin, na dapat ang mukha at ayos ay iakma sa eksena.

Continue reading below ↓

Itong si Aktor #2 kasi, hindi talaga nagbago ang mukha, poging-pogi pa rin kahit hindi tumatama sa eksena at sa lugar na kinalalagyan niya. Talagang nagtrabaho nang mabuti ang glam team niya.

E, itong si Aktor #1, kahit pogilicious, nag-blend siya sa mga kasabayan niya sa sKuala Lumpur. Kaya ramdam na ramdam mo siya... sakdal husay!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results