Veteran actor, ibinuking ang anak na well-endowed at playboy

by PEP Troika
Oct 8, 2019
Sikat na veteran actor, pinayuhan ang anak na playboy na humanap ng older women kaysa gastusan ang mga kaedarang chicks nito.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Pogilicious ang isang 18-anyos na showbiz wannabe. Matangkad siya, at maraming kamag-anak na artista.

May mapanuksong litrato siya sa Instagram, kung saan nagpasilip siya ng abs.

Pagmamalaki ng kanyang ama na isang kilalang aktor, “well-endowed” si pogi. Pinagpala.

“Hahabulin iyan ng mga babae. Kasi, ocho ang haba, dos ang taba!” hirit ng kanyang ama.

“Ang problema ko sa batang iyan, sobrang hilig. Gusto, ganoon nang ganoon.

“Ang ikinakabuwisit ko pa sa anak kong iyan, gumagastos sa mga babae. Nagreregalo ng Mac! E, ang mahal-mahal ng Mac na make-up, di ba?!

“Pinagsabihan ko na ang patusin niya, iyong older women para hindi niya gastusan, siya pa ang reregaluhan!

“Sabi ko rin sa kanya, huwag kalilimutan ang press people.

"Tutulong sila sa kanyang career, kaya tandaan niya ang mga ito. Lagi siyang magbigay-galang sa mga taga-media!”

Pangiti-ngiti lang si pogi sa mga hanash at pangaral ng kanyang ama, na aktibo pa rin sa pag-aartista.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ibang klase ang tatay, siya pa talaga ang nagtuturo sa anak niya ng ganun!

Kaya naman gaano man siya naging successful sa career niya noon, he was found wanting—not only in terms of size kundi pati sa love department.

Marami siyang napagsisihan sa ngalan ng pag-ibig—mga dating nakarelasyon na hindi niya naalagaan.

Anyway, sana iyong magagandang advice ang masunod ng anak mula sa tatay.

At kung masusunod ang theory of evolution, sana, improvement na of the race ang anak na ito.

Teka, sino pala ang nanay nitong batang ito? Di ko yata knows.

GORGY RULA

Lahat yata ng shortcomings ng tatay, nakikita niya sa anak niyang 'yan, kaya talagang proud na proud siya.

Kilala namang may pagkabarubal magsalita itong si aktor na kung hindi mo siya kilala, magugulat ka na lang.

Hindi nga lang siya namimili ng mga tamang lugar para magsalita ng ganun.

Continue reading below ↓

Minsan, tingnan din niya yung mga sinasabi niya at mga nakakarinig dahil hindi lahat ay kilala siyang ganun talaga magsalita.

Curious lang ako kung paano napunta dito kay aktor itong hunkylicious niyang anak.

Kasi, alam kong nagkaroon siya ng konting gulo noon sa nanay ng bata.

Hindi ko na nasubaybayan kung paano sila nagkaayos hanggang sa napunta sa kanyang poder iyong bata.

Naku-cover pa noon sa Startalk ang kuwento nila!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sikat na veteran actor, pinayuhan ang anak na playboy na humanap ng older women kaysa gastusan ang mga kaedarang chicks nito.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results