Marian Rivera, itinangging bina-bash ng DongYanatics si Jennylyn Mercado

by PEP Troika
Oct 8, 2019
Marian Rivera (left), inihayag na suportado ang tambalan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado (right) sa Descendants of the Sun.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nilinaw ni Marian Rivera na hindi DongYanatic fans ang namba-bash sa pagkapili kay Jennylyn Mercado bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun (DOTS).

Bago in-announce na si Jennylyn ang gaganap na Dr. Maxine dela Cruz, nabanggit na raw ito sa kanya ni Dingdong at nakikita niyang bagay ang Kapuso Ultimate Star sa role.

“Bagay naman si Jen dun, e. Saka ang dami nang nagawa ni Jen na mga Kore-Korean, e,” nakangiting sagot sa amin ni Marian.

Nakatsikahan namin si Marian sa launching ng bagong endorsement niyang Walter Mart nitong Oktubre 8, Martes, sa WMall sa Pasay City.

May ilang nagnenega dahil ang gusto nila ay si Marian ang gumanap na female lead sa DOTS.

Pero tinitiyak ni Marian na hindi ito fans nila ni Dingdong.

“Hindi ako naniniwala na sinasabi iyan ng mga maka-DongYan. Kasi, ang maka-DongYan, hindi makikitid ang utak.

Continue reading below ↓

“Kung sino ang partner namin, alam namin na 100 percent ang suporta nila,” paglilinaw ng Kapuso actress.

Baka next year ay puwede na siyang gumawa ng teleserye, pero magiging maingat daw si Marian sa project na tatanggapin.

OK na raw muna siya sa weekly shows niyang Tadhana at Sunday PinaSaya, na babalikan na niya sa darating na Linggo, October 13.

JERRY OLEA

May ganoon palang isyu?

Noon pa man ay si Jennylyn ang napabalitang leading lady ni Dingdong kahit meron pa itong Love You Two with Gabby Concepcion.

And then, may paandar na kesyo hindi pa alam kung sino talaga ang katambal ni Dingdong sa DOTS.

Co-hosts sina Dong at Jen sa nakaraang season ng Kapuso reality show na StarStruck, at maganda ang chemistry nila roon.

Kaya nang i-announce officially na DongJen ang magkatambal sa DOTS, hindi na iyon big deal sa akin.

Priority ni Marian ang pangangalaga sa kanyang pamilya. Kaya huwag nang ipilit ng iba na magbalik-teleserye ito agad-agad.

Continue reading below ↓

May tamang panahon para riyan.

NOEL FERRER

Hindi rin ako aware na may ganoong issue against Jennylyn!

Oh, well... since blessed sina Dingdong at Marian, at pati na rin si Jennylyn, deadma na siguro sila sa mga ganitong isyu!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera (left), inihayag na suportado ang tambalan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado (right) sa Descendants of the Sun.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results