Ruru Madrid, nalulong sa droga sa Magpakailanman; Elisse Joson, Richard Gutierrez magtatambal sa MMK

by PEP Troika
Oct 9, 2019
Ruru Madrid, magpapakitang-gilas sa aktingan sa Magpakailanman; habang magpapakilig naman sa TV viewers ang fresh teamup nina Elisse Joson at Richard Gutierrez sa MMK.
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook / @mmkofficial Instagram

JERRY OLEA

Adik Sa ‘Yo: The Radji Kem Galos Story ang tampok sa Magpakailanman sa Oktubre 12, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Intense ang pagganap dito ni Ruru Madrid bilang isang honor student at mabuting anak na nalulong sa masamang bisyo.

"Napakaganda ng story niya. Actually, noong binasa ko ang script, hindi na ako nagdalawang-isip para tanggapin yung episode na ito dahil sobrang ganda," sabi ni Ruru sa BTS na nasa Facebook page ng MPK.

"Right now, andoon ako sa moment ng buhay ko na parang gusto kong mag-explore when it comes to acting.

"Kasi, alam naman nating lahat na sobrang passionate ako about this work, about this craft.

"So, sabi ko, kahit na mahirap 'tong gagawin ko para sa episode ng Magpakailanman, tatanggapin ko siya.

"Kasi, doon ko masusukat kung gaano ko talaga kamahal 'to..."

Continue reading below ↓

Samantala, magpapakilig sina Richard Gutierrez at Elisse Joson sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Minsan pang patutunayan na sa pag-ibig, age doesn’t matter.

Mapupuno ng sugar ang coffee ninyo ngayong Sabado dahil sa sweetness!

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Ganito ang gustong gawin ni Ruru Madrid na talagang matsa-challenge ang pag-arte niya.

Kaya noong nakatsikahan namin siya sa pocket presscon ng pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith na Cara X Jagger, binabanggit na niyang may maganda siyang gagawin na episode sa Magpakailanman.

Excited din si Ruru dito sa pelikula nila ni Jasmine na naka-schedule ang showing sa November 6.

Medyo namumroblema siya sa kanyang schedule dahil mukhang siya na rin ang napiling maka-partner ni Maureen Wroblewitz sa launching movie nito.

Kaya lang, magiging abala siya sa promo ng Cara X Jagger.

Ewan kung kaya niya itong iwan para makapag-shooting dahil sa New Zealand kukunan ang kabuuan ng pelikula ni Maureen.

NOEL FERRER

Ruru's time has arrived!

Sana, mag-rate ang kanyang Magpakailanman episode this weekend at maging successful din ang kanyang movie with Jasmine, although kulang pa talaga ang ingay rito!

Sana, go rin siya sa movie with Maureen dahil he deserves it!

Continue reading below ↓

Dito makikita kung sa dinami-dami ng projects na ito ay may synergized effort na magiging epektibo para lumevel up ang bet nating si Ruru!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid, magpapakitang-gilas sa aktingan sa Magpakailanman; habang magpapakilig naman sa TV viewers ang fresh teamup nina Elisse Joson at Richard Gutierrez sa MMK.
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook / @mmkofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results