Sharon Cuneta at Regine Velasquez, hindi magpapatalbugan at maglalamunan sa Iconic concert

by PEP Troika
Oct 10, 2019
Sharon Cuneta (left) on back-to-back concert with Regine Velasquez: "We’ve both have come so far for different reasons, and those reasons are all valid. So, hindi puwedeng sabihing magsasapawan."
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Ang ganda ng blending ng mga tinig nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez nang i-duet nila ang chorus ng "Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan" matapos ang open forum sa Iconic mediacon nitong Oktubre 10, Huwebes, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Kumukurot sa puso, humahaplos sa kaluluwa!

Hindi nagsasapawan, bagkus ay nagko-complement sa kani-kanyang boses at istilo. Bravo!

Kaya hindi kataka-taka na sold-out na ang unang gabi (Oktubre 18, Biyernes) ng kanilang Iconic concert!

Hindi nila sinabi kung ilan talaga ang kanilang duets/medleys. Basta, marami raw.

E, kung ganado sila sa tsikahan, ilang oras kaya ang kanilang concert? Baka mega-haba?!

Sey ni Ate Shawie, dalawang oras at kalahati.

Siyempre, abang-abang tayo sa kani-kanyang OOTD. Tig-apat daw sila ng costume changes.

Again! Hindi sila magpapasiklaban, bagkus ay magko-complement ang kani-kanyang kasuotan.

Kung dalawang araw na hindi nakapag-rehearse si Sharon dahil nagkasakit siya, OK lang iyon kay Regine. Hindi rin daw nakasipot si Regine sa isang rehearsal.

Continue reading below ↓

Pasubali ni Sha, dahil mas magaling sa kanya si Reg ay lalamunin siya nito sa concert.

Pagmamatuwid ni Reg, magdadala na lang siya ng crispy pata sa concert para iyon ang lamunin niya.

Siyanga pala, sa Sunday night ay mapapanood ang Part 2 ng nakatutuwang chikahan nila with Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN.

NOEL FERRER

Napanood ko ang guesting nilang dalawa sa GGV noong Sunday at sobrang kumportable na sila sa isa’t isa.

At bitin nga, kaya buti na lang, may Part 2.

Ang ganda ng pagkakakanta ni Regine ng "Mr DJ" ni Sharon kaya kaabang-abang ito.

At inaabangan ko rin ang version nila ng Lavinia Arguelles-Dorina Pineda song na "Bituing Walang Ningning."

Kayhusay talaga!

GORGY RULA

Nilinaw nina Sharon at Regine na hindi contest itong Iconic concert nila.

Hindi sila magpapatalbugan o magpapabonggahang dalawa.

Hindi kasi maiwasang “mema” lang ang iba na pagkumparahin silang dalawa at sasabihin ng iba na tinalbugan ni Regine si Sharon.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mahabang pahayag ng Megastar: “Obviously, I’ve always said, Regine is the better singer, but we have two different styles.

“I also know my strengths.

"We’ve both have come so far for different reasons, and those reasons are all valid.

"So, hindi puwedeng sabihing magsasapawan.

“Ibig niyong sabihin na pag nag-concert si Reg, si Lani Misalucha, ako, si Pops, si Ice, Moira, so papatayin na lahat na hindi marunong magbirit?

“Parang nagku-compare ka ng apple saka ng orange, hindi puwede, magkaibang-magkaiba.

“It’s very mean for them to say that, kasi parang napaka-disrespectful naman sa mga itinamin ko rito sa industriya.”

Dugtong ni Regine: “We’re not here to compete with each other.

“Saka lahat po na mga concert na ginawa ko, hindi naman ako nagku-compete. I’m a team player.”

Totoo yun! Kaya hindi na sila maaapektuhan sa mga mang-intriga pa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (left) on back-to-back concert with Regine Velasquez: "We’ve both have come so far for different reasons, and those reasons are all valid. So, hindi puwedeng sabihing magsasapawan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results