Ruru Madrid, napilitang i-give up ang project with Maureen Wroblewitz

by PEP Troika
Oct 13, 2019
Nang dahil sa schedule, napilitang i-give up ni Ruru Madrid ang dapat sana ay project niya with Maureen Wroblewitz.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Sobrang nanghinayang si Ruru Madrid sa isang movie project na hindi na niya magagawa dahil makakasabay nito ang promo ng pelikula niyang Cara X Jagger ng APT Entertainment.

Magiging ka-partner niya rito si Jasmine Curtis-Smith.

Ang Kapuso hunk actor na sana ang leading man ng Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz sa launching movie nito na ipu-produce ng Reality Entertainment at ididirek ni Katski Flores.

Sa New Zealand kukunan ang kabuuan ng pelikula, at dapat sa October 21, ay lilipad na sila papunta sa naturang bansa para simulan ang shooting.

Pero hindi kaya ng schedule ni Ruru dahil puspusan na ang promo nila ni Jasmine para sa Cara X Jagger na magsu-showing sa November 6.

Commitment ito ni Ruru sa APT at nakakahiya na iwan kay Jasmine ang pagpu-promote, kaya kahit mabigat sa loob niya, kailangang tanggihan ni Ruru ang naturang proyekto.

Gustung-gusto pa naman niyang gawin ang pelikulang ito dahil maganda ang material at ang crush niyang si Maureen ang bida. Ang latest na nabalitaan namin, baka si Kit Thompson na ang ipalit kay Ruru.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kasabihan nga, kung hindi ukol, hindi bubukol. Isipin na lang ni Ruru na blessing in disguise ito. Hindi niya dapat pabayaan ang promo ng movie with Jasmine. Responsibilidad niya iyon na hindi dapat bale-walain.

NOEL FERRER

Sayang! Malaki ang potential ni Ruru, at hindi man niya magawa ang pelikula with Maureen, sana ay meron pa ring ibang role na dumating na maipagmamalaki niya talaga!

I like Ruru and Bianca Umali individually or together. Sa tingin ko, pareho silang may lalim sa pag-arte at may built-in chemistry na.

Bakit kaya hindi sila ang magkapelikula or project together?

Excited ako sa nabalitaan long susunod na project ni Bianca na gagawin siyang of international calibre na. Madi-disclose ito sa takdang panahon, pero proud ako sa kanya talaga, at kay Ruru rin.

Sana lang, ma-promote nang maayos ang pelikula ni Ruru with Jasmine!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang dahil sa schedule, napilitang i-give up ni Ruru Madrid ang dapat sana ay project niya with Maureen Wroblewitz.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results