Bidang aktres, matagal nang may attitude problem?

by PEP Troika
Oct 13, 2019
Premyadong bidang aktres, matagal na nga bang may attitude problem?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Gandara kahit walang make-up ang 40-anyos na aktres nang dumating sa studio para sa photo shoot ng isang bagong TV series.

Matapos ma-make-up-an ay lalong lumutang ang kanyang alindog.

Inurirat ng gandarang aktres kung ano ang karakter niya sa programa.

Nang maipaliwanag sa kanya, nakapag-emote siya nang bonggacious.

Pogilicious naman ang tisoy na twentysomething actor, na isa sa leading men.

Rebelde ang papel ni tisoy, kaya nilagyan siya ng dungis sa mukha para ibagay sa kanyang karakter.

Ang title role sa palabas ay isang premyadong aktres, na ang edad ay malapit nang mawala sa kalendaryo.

1:00 PM dumating sa studio ang bidang aktres. Nagpasabi ito na 2:00 PM ay uuwi na siya. Kesyo masama ang pakiramdam niya noong araw na iyon.

Agad siyang inasikaso ng make-up artist at hairstylist.

Malapit nang mag-4:00 PM, hindi pa lumalabas ang bidang aktres sa make-up room.

Iyon pala, ayaw ng bidang aktres ang inihandang costume ng stylist para sa kanya. Hinahanap ng bidang aktres ang stylist pero waley maski anino nito.

Continue reading below ↓

Obvious ang pagdadabog ng bidang aktres.

Nainterbyu na lahat ng supporting cast sa TV series, pero si bidang aktres, wala sa mood. Saka na lang daw siya magpapainterbyu.

Usap-usapan si bidang aktres ng mga make-up artist, hairstylist, stylist at co-stars.

Nag-attitude si ateng?! Nagmaldita?! Nagmahadera?!

Kuwento ng insider, “Yung photo shoot, tatlong beses nang naudlot. Dapat sana ay sa location taping na lang kukunan ang mga artista.

“May karapatan si bidang aktres na ireklamo ang costume niya sa photo shoot. Nagmukha siyang mataba sa suot niya. Todo emote pa naman si ateng at pigil na pigil ang paghinga.”

In fairness sa bidang aktres, ginawa pa rin niya ang photo shoot kahit palpak ang stylist na MIA (Missing In Action).

GORGY RULA: Matagal na talagang may attitude itong si bidang aktres.

Kahit hindi pa siya sikat, may problema na ang attitude niya.

Pero sa kuwentong ito, hindi ko masisisi na magdabog si bidang aktres.

Continue reading below ↓

Kung stylist ka sa isang project, dapat ikaw ang nagpapabihis sa artista mo.

Hindi mo siya iiwan na basta pagbihisin na lang.

Dapat nakabantay ka para matingnan kung okay ba ang fitting o meron pa bang aayusin.

Dapat kastiguhin ang stylist na iyun.

NOEL FERRER: Naku, senyales iyan ng mga hindi pa man sakdal ang pagsikat nitong bidang aktres ay hindi iyan magtatagal dahil sa attitude?!

Dahil lang sa ayaw ang damit, diskaril na lahat sa produksyon? Mas magkakasimpatiya pa sa kanya ang mga tao kung mabait pa rin siya despite everything.

Hay, good luck na lang talaga sa kanya kapag hindi na siya mabango sa mga kasamahan niya sa trabaho. Baka bumalik siya sa dating hotel na kilala bilang pick-up place.

Huwag naman sana.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Premyadong bidang aktres, matagal na nga bang may attitude problem?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results