Pelikula nina Bela Padilla, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Sharon Cuneta sasabak na sa Tokyo International Film Fest

by PEP Troika
Oct 14, 2019
Filipino movies na Mañanita (Bela Padilla), Mindanao (Judy Ann Santos), Ang Hupa (Piolo Pascual), at Kuwaresma (Sharon Cuneta), makikilahok sa Tokyo International Film Festival 2019.

JERRY OLEA

Walong pelikulang Pinoy ang kalahok sa 32nd Tokyo International Film Festival na gaganapin sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5 sa Japan.

Isa lamang sa mga ito ang nasa Competitive section, ang Mañanita na pinagbibidahan ni Bela Padilla.

Idinirek ito ni Paul Soriano, mula sa eight-page screenplay ni Lav Diaz.

Sa pagkakaalam ni Direk Paul, 1,000+ pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nais mag-compete dito, pero 14 films lang ang napili sa Main Competition.

Pang-arthouse ang pelikulang Mañanita, na ang istilo ng pagkabuo ay transcendental.

“It’s very quiet, it’s very visually-driven, very musically-driven. I think, in the 35th minute, that’s the only time you hear Bela speak,” sabi ni Direk Paul sa mediacon ng Mañanita noong Oktubre 4, Biyernes, sa Romulo Cafe, Sct. Tuason St., Quezon City.

Nasa Asian Future section naman ng Tokyo International Film Fest ang horror movie na Motel Acacia, na pinagbibidahan nina JC Santos at Jan Bijvoet, sa direksiyon ni Bradley Liew.

Continue reading below ↓

Kasali sa World Focus Powered by Aniplex Inc. ang Mindanao, directed by Brillante Mendoza at pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Allen Dizon, at Yuna Tangog.

Kasama rin sa kategoryang ito ang Food Lore Series: Island of Dreams, directed by Erik Matti at pinagbibidahan nina starring Angeli Bayani, Yul Servo, at Ina Feleo.

Pasok sa The Japan Foundation Asia Center presents CROSSCUT ASIA #06: Fantastic Southeast Asia ang mga sumusunod:

Kuwaresma/The Entity (directed by Erik Matti) starring Sharon Cuneta, John Arcilla, at Kent Gonzales;

Ang Hupa/The Halt (directed by Lav Diaz) starring Piolo Pascual, Joel Lamangan, at Shaina Magdayao;

Untrue (directed by Sigrid Andrea P. Bernardo) starring Cristine Reyes at Xian Lim;

Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay (directed by Antoinette Jadaone) starring Joel Saracho and the late Lilia Cuntapay.

Ipinagmalaki naman ni Film Development Council of the Philippines Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra ang karangalang dala para sa bansa ng mga nabanggit na Pinoy films.

Continue reading below ↓

“It has been a fruitful year for Philippine cinema, especially now that we are celebrating its hundred years.

"FDCP takes pride that our films consistently make a mark in world cinema, especially in the prestigious Tokyo International Film Festival."

GORGY RULA

Sayang, hindi makakadalo si Judy Ann sa Tokyo International Film Festival. Nasa Dubai, UAE siya sa Nobyembre 4 to 6 para sa isang book signing at cooking demo.

Isa si Juday sa 10 Filipino authors na naimbitahan para sa nasabing event.

Nag-enjoy si Juday sa pagdalo niya sa Busan International Film Fest kaya bet niyang rumampa with Direk Brillante Mendoza sa iba pang international film festival.

Ang alam ko, ilalaban din ang Mindanao sa 41st Cairo International Film Festival (Nobyembre 20-29), na hindi rin swak sa schedule ni Juday.

Siyangapala, si Direk Brillante ang chairman ng jury sa International Feature Film Conpetition ng 7th Bosphorus International Film Festival (Oktubre 18-25) sa Istanbul, Turkey.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Grabe nga ang schedule ni Juday!

Gustuhin man niyang sumama sa lahat ng international film festivals na sasalihan ng Mindanao ay hindi talaga kakayanin.

At least, natatawag na namin siyang international actress talaga. Hahaha!

Ang tanging oras ng bakasyon niya sa pamilya ay iyong December 26 to 31 if ever... for a well-deserved Christmas break talaga!

Good luck sa mga kababayan nating tutulak sa Tokyo International Film Festival.

Patuloy ninyong itaas at bigyang parangal ang Pilipinas sa panahong maraming paghamon sa atin! Mabuhay!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino movies na Mañanita (Bela Padilla), Mindanao (Judy Ann Santos), Ang Hupa (Piolo Pascual), at Kuwaresma (Sharon Cuneta), makikilahok sa Tokyo International Film Festival 2019.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results