KMJS at Rated K, parehong wagi sa ratings ngayong di na magkatapat

by PEP Troika
Oct 15, 2019
KMJS ni Jessica Soho at Rated K ni Korina Sanchez, namamayagpag sa kani-kanilang timeslot.
PHOTO/S: KMJS Facebook / @korina Instagram

JERRY OLEA

Hindi na magkatapat ang timeslot ng Rated K: Handa Na Ba Kayo at Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) tuwing Linggo.

Mas maaga na ang pag-ere ng programa ni Korina Sanchez.

Ayon sa national TV ratings (urban + rural) ng Kantar Media, wagi sa kani-kanyang timeslot ang dalawang programa.

Kinakabog ng Rated K ang katapat nitong Amazing Earth.

Hindi na tayo nagugulat na mas mataas ang rating ng KMJS kaysa sa Rated K.

Noong Agosto 25, naka-28.1% ang KMJS, kumpara sa 23.0% ng Rated K.

Noong Setyembre 8, naka-27.0% ang KMJS, kumpara sa 22.3% ng Rated K.

Noong Setyembre 15, naka-26.7% ang KMJS, kumpara sa 24.6% ng Rated K.

Noong Setyembre 22, naka-26.9% ang KMJS, kumpara sa 21.6% ng Rated K.

Noong Setyembre 29, naka-24.0% ang KMJS, kumpara sa 23.9% ng Rated K.

Uy! Muntik nang magkapareho!

Noong Oktubre 6, naka-25.8% ang KMJS, kumpara sa 22.6% ng Rated K.

Umariba muli ang KMJS.

PERO nitong Oktubre 13, naka-22.6% lamang ang KMJS, kumpara sa 23.0% ng Rated K.

Continue reading below ↓

WOW!!! Nataasan ng Rated K ang Kapuso Mo, Jessica Soho?!

NOEL FERRER

Parang boksing lang pala ito. Para hindi mapuruhan, umilag, at maghanap ng makakayang kalaban.

Maganda ang konsepto ng counter-programming, actually.

At least, hindi patayan ng programa ang objective, kundi pagandahan talaga.

To each his/her own audience baga.

At least, wagi pareho ang ating mga kinikilalang broadcast journalists!

GORGY RULA

Sa AGB NUTAM naman, magkakadikit ang ilang programa ng GMA-7 at ABS-CBN.

Noong October 12, Sabado, 7.3% ang 24 Oras at 7.6% ang Kuha Mo.

Ang Pepito Manaloto ay may 9.8% at dumikit ang TV Patrol na 9.7%.

Ang laki ng lamang ng The Voice Kids na may 14.1% sa The Clash na 9.2%, pero pataas ito nang pataas na baka abutan na nito ang The Voice Kids.

11.6% ang Home Sweetie Home, habang 8.1% ang Daddy’s Gurl.

8.6% ang Magpakailanman versus sa Maalaala Mo Kaya na 12.9%.

Noon gLinggo, October 13, ay wagi ang Sunday PinaSaya na may 5.4%, over ASAP Natin 'To na may 5.2%.

Continue reading below ↓

Mas na-excite siguro ang televiewers sa pagbabalik ni Marian sa SPS kesa sa grand finals ng Himig Handog 2019 sa ASAP Natin ‘To.

Sa gabi ay mas maraming ABS-CBN programs ang mas mataas ang rating kesa sa katapat na programa sa GMA-7.

Lamang ang TV Patrol na may 6.8% kesa sa 24 Oras na 5.9%. Halos nakatapat din nito ang lumipat ng timeslot na Rated K na may 9.9%.

Consistent pa ring mataas ang Kapuso Mo Jessica Soho na nakakuha ng 15.3%, kung saan inilampaso ang Super Blockbusters na 7.9% lamang.

Sayang at masaya pa naman ang Part 2 ng tsikahan nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Gandang Gabi Vice, pero 4.2% lamang ang nakuhang rating.

Ang katapat na The Boobay and Tekla Show ay consistent pa ring mataas, na kahit wala silang guests nung nakaraang Linggo ay nakakuha pa rin ng 4.9%.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KMJS ni Jessica Soho at Rated K ni Korina Sanchez, namamayagpag sa kani-kanilang timeslot.
PHOTO/S: KMJS Facebook / @korina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results