Sikat na aktor, isinakdal ng sarili niyang ina

by PEP Troika
Oct 15, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Nasagap ng PEP Troika na isang aktor ang sinampahan ng kaso ng kanyang sariling ina.

Nitong Oktubre 15, Martes ng umaga, lang daw nag-file si Mommy, na sinamahan ng isa pa niyang anak na hindi rin kasundo nitong sikat na aktor.

Matagal na naming nabalitaan ang sigalot sa pamilya dahil sa pera at property.

Ang latest na nabalitaan namin, may mga nakalap na raw na mga ebidensiya sa bangko si Mommy kaya nagsampa na ito ng reklamo sa piskalya.

Hindi lang namin nakuha ang buong detalye, dahil ayaw pa raw muna nilang isapubliko ito bilang payo ng kanilang abogado.

Pero hangad pa rin ng ilang kaibigang malapit sa pamilya na, sana, maayos nila ito.

Hindi magandang tingnan sa lahat na nag-aaway-away sila at umabot pa sa demandahan dahil lang sa kanilang yaman.

JERRY OLEA

Ang ikaapat na utos ng Diyos, “Igalang mo ang iyong ama at ina.”

Continue reading below ↓

Senior citizen na si Mommy.

Sana, ayusin ng sikat na aktor ang gusot sa kanilang pamilya, bago tuluyang lumaki ang sigalot.

NOEL FERRER

Wow, alam kaya ito ng nanay-nanayan ko?

Nakipag-ayos ang sikat na aktor sa ex niyang sikat na aktres. Nagbawas ng kahidwaan, 'ika nga.

Good vibes na lang, at hopia ang marami na magtambal silang muli sa pelikula.

Pero bago mangyari iyon, tingnan natin kung paano aayusin ng sikat na aktor itong away-pamilya!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results