JERRY OLEA
Wagi sa national TV ratings ang “Hot Choco” pakilig nina Richard Gutierrez at Elisse Joson sa Maalalala Mo Kaya (MMK), kaysa sa adiktus benediktus na drama ni Ruru Madrid sa Magpakailanman.
Sa national TV ratings ng Kantar Media noong Oktubre 12, Sabado, naka-26.5% ang MMK, kumpara sa 12.2% ng Magpakailanman.
Sa AGB Nielsen, 12.9% ang MMK, kumpara sa 8.6% ng Magpakailanman.
Sa Oktubre 19, Sabado ng gabi, kaabang-abang muli ang salpukan ng dalawang drama anthology.
Matutunghayan ang life story ni PBB Otso Ultim8 Big Winner Yamyam Gucong sa MMK sa Sabado ng 8:30 p.m. pagkatapos ng The Voice Kids: Season 4.
Nakakatawa, nakakaiyak, at nakaka-inspire ang episode na ito.
Tampok naman sa Magpakailanman ang kuwento ng babaeng psychic sa Dumaguete.
Bida sa episode na ito sina Shaira Diaz at Mike Tan.
NOEL FERRER
Kung aling episode ang mas may following at tututukan, kailangan pa bang i-memorize iyan?
Basta, either nasa Pinoy Playlist music fest (BGC Arts Center, Taguig City) ako o sa Iconic concert (Araneta Coliseum, QC).
Kaya sayang... Hindi ko sila pareho mapapanood.