Isa Pa With Feelings, P30M ang box-office gross in five days?

by PEP Troika
Oct 21, 2019
Tambalang Maine Mendoza at Carlo Aquino sa Isa Pa With Feelings, mayroong international screenings sa U.S., Canada, European countries, Japan, at iba pang bansa.
PHOTO/S: @jose_liwanag Instagram

GORGY RULA

Bukas, October 22, ay magsisimula na ang international screenings ng Isa Pa With Feelings nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Naka-schedule ito sa Oktubre 22 sa Japan; October 24 sa Middle East at Papua New Guinea; October 25 sa US, Canada, at Saipan; October 26 sa UK at Ireland; at October 27 sa Italy, Spain, at Greece.

May international screenings din sa October 28 sa Cosenza, Italy; October 31 sa Australia at New Zealand; November 3 sa Norway at France; November 7 sa Brunei; at Nobyembre 10 sa Parma, Italy.

Ayon sa nasagap naming box-office report ng pelikula mula sa ating reliable source, naka-PHP14M lang ito noong nakaraang weekend.

Tantiya nila, sa loob ng limang araw na showing sa mga sinehan, halos PHP30M pa lang ito.

Okay na ito sa isang maliit na pelikula, dahil hindi ito kasinlaki ng Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

Sana, huwag itong ikagalit sa atin ng fans ni Maine, pero mas mabuti sigurong itodo pa nila ang suporta para maabot ang target ng Black Sheep na maka-PHP150M to P200M ang kikitain nito.

Continue reading below ↓

Pero may mga bago pang pelikulang papasok sa Miyerkules, October 23, kagaya ng Unforgettable ni Sarah Geronimo, na excited din akong panoorin dahil type ko iyong partner niyang cute na doggie na si Milo.

Kung maganda ang kalabasan ng Unforgettable, posibleng mabawasan ng audience ang Isa Pa With Feelings.

Kaya dapat na itodo pa ang promo na nakita ko namang kinakarir ni Maine ang pagpu-promote sa social media.

Napanood na kaya ni Alden Richards ang pelikula?

Dalawang beses pinanood ni Maine ang Hello, Love, Goodbye. Nakailan kaya si Alden?

NOEL FERRER

Hahabulin ko iyan at papanoorin this week.

Magaganda ang reviews sa Isa Pa With Feelings at may good word of mouth mula sa moviegoers.

Kailangan itong suportahan.

JERRY OLEA

Nanguna sa takilya ng North America last weekend ang bagong bukas na Maleficent: Mistress of Evil, pero mababa sa ine-expect ang hinamig nito.

Rumatsada ito sa international market, at sa Pilipinas ay tinatayang naka-$3.5M ito, ayon sa Box Office Mojo.

Continue reading below ↓

More or less eh $153M ang global debut ng Maleficent sequel ni Angelina Jolie.

Nasa ikatlong weekend na ang Joker, pero umaariba pa ito sa takilya.

Harinawang magtagumpay ang international screenings ng Isa Pa, With Feelings.

At sana’y maging unforgettable ang box-office performance ng bagong movie ni Sarah G.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tambalang Maine Mendoza at Carlo Aquino sa Isa Pa With Feelings, mayroong international screenings sa U.S., Canada, European countries, Japan, at iba pang bansa.
PHOTO/S: @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results