Guwapong aktor na sakit sa ulo, tinanggal sa dalawang primetime shows

by PEP Troika
Oct 23, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA:

Walang duda, mahusay ang guwapong aktor. Nabigyan niya ng katarungan ang mga papel na ipinagkatiwala sa kanya, sa TV man o pelikula.

Kaya lang, natukso siya sa dark force. Naging unprofessional.

Bida pa naman siya noon sa isang primetime series na umaariba sa ratings, pero wala siyang pakundangan kung magpa-late sa set kesehodang big scene ang kukunan.

Nasangkot siya sa eskandalo at kontrobersiya. Ilang taon na nawala sa showbiz circulation.

Thirtysomething na ang gwapong aktor nang magparamdam muli, at sumumpang nagbago na.

Isinama siya sa dalawang major primetime project. Makatuturan ang mga karakter niya kahit paano. Hindi basta palamuti lang.

Matino pa rin ang akting niya sa top-rating teleserye. Kaso, hindi siya nauubusan ng dahilan sa pagiging late sa taping.

Sa isa pang primetime project na isinali ang guwapong aktor, sa Pampanga ang taping ng pilot episode.

Binigyan si guwapong aktor ng palugit ng TC (talent coordinator), EP (executive producer) at manager.

Continue reading below ↓

Ginawang alas dose ng tanghali ang kanyang call time. Kaya kung ma-late man ang guwapong aktor, siguro ay nasa set na ito by 3:00 or 4:00 p.m.

May araw pa. Puwede pang kunan for day shots.

Dumating ang guwapong aktor sa set, kagat na ang dilim. Humuhuni ang mga kuliglig.

Nanlulumo man ang manager, tinanggap niya ang pasya ng produksyon na tanggalin sa dalawang primetime series ang guwapong aktor.

NOEL FERRER:

Sayang talaga si guwapong aktor!

Ito na sana ang pagkakataon para makabawi siya at makabalik sa industriya na mataas ang pagtingin sa kanya.

Pero para na siyang The Boy Who Cried Wolf!

Nakapanghihinayang talaga!

GORGY RULA:

Sana, magaganda na ang kuwento natin sa guwapong aktor na ito.

Wala nang bago. Kasi, hindi pa rin talaga siya nagbago.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results